Mabuting umasa sa magandang hatid nang bagong taon, pero ilang taon ka na ba at ilang taon na nating na-experience ang bagong taon? May nagbago ba o may pagbabago ba? Maaring may pagbabago sa mga taong nagbago sa kanilang situasyon tulad nang paglipat nang bahay sa isang bagong lugar o lumipat/naalisan nang trabaho or mas lalo sa ating mga kakabayan at sa pamilya nito kung siya ay first time OFW na aalis sa taong ito. Agree ka ba?
Sa ating bayan na naghahangad nang pagbabago na dulot nang taong 2010 para sa nalalapit na eleksiyon. Ang pagbabago para sa pagpapalit nang administrasyon. May magbabago kaya? Ilang presidente na ba ang inabutan mo? Ako mula sa pagpapatalsik kay Marcos ay inabutan ko na, subalit mula noon lalong lumala ang sitwasyon nang ating bansang minamahal hindi lang tayo pati ang ibang bansa dahil pahirap na nang pahirap ang mundo.
Hindi ako pessimistic at hindi di pa din naman ako nawawalan ng pag-asa na sana....(period).
Magbabago ang Pilipinas lalo kung di tayo aasa sa ibang bansa at tayo mismo ang magpa-unlad nang ating kasanayan. Tulad nang Korea at Japan na naging dalubhasa sa paggawa nang sarili nilang mga producto. Wag na tayo umasa sa mga investors sapagkat sila din naman ay nakikinabang rin sa ating likas na yaman at sa talento nang Filipino. Alam kong mali ako sa anitong mentalidad pero bakit pa tayo aasa sa iba kung pagdating nang gipitan ay iiwan lang naman tayo sa ere, tulad nang malalaking pabrika na nang dumating ang krisis financial noong nagdaang taon ay nagsara at lumipat sa ibang bansa kung saan sila makakatipid.
May kasabihang "no man is an island" pero ang Pilipinas ay hindi lang island kundi "chain of islands" or archipelago...di ba? Kaya kakayanin natin eto. LOL
Salamat sa pag-edit nang tagalog words, kay Dwight Ernieta at Raymond Carator, KSA.
Ikaw ano ang wish list mo para sa'yo at sa bayan mo?
Be updated to Kabayan Junction subscribe in as a reader.