Showing posts with label Joke time. Show all posts
Showing posts with label Joke time. Show all posts

Sulat ng Practical na OFW sa L.A. - Joke time



Nabasa mo na ba ang sulat mula sa America, eto bagong sulat ng isang practical na Pinoy sa L.A.

Joke lang walang seryosohan. Thanks to webby.com for the picture.

"A better version from three years ago but still funny!!!


Nurse si Bebeng sa L.A. Isinama niya ang kanyang lola upang magpagamot doon. Ngunit sa kasamaang palad doon na inabot ng pagkamatay ito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Minabuti niyang pauuwiin na lang mag-isa ang kabaong ng kanyang ina.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng lola."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng lola! Kinuha nila ito at binasa. Ito ang nilalaman ng liham mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay, nanay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang lola sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil...

A Cut and Paste Letter - Pangaral ng Cool Parents

Timatamad ako mag-isip at magsulat pero nasa mood ako mag-browse ng email, nakita ko etong message na forwarded sa akin last year about a cool parent advise. Sa laguna ata base ang gumawa nito dahil sa entry niyang work sa Sunpower.

May halong biro ang message na eto kaya wag seryosohin.

Salamat sa bestcoolpics para sa image at muli salamat sa sino mang gumawa ng sulat na eto at nakarating sa akin. Read on. Pangaral ng cool parents

"Anak sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko...Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana huwag kangmagtatampo kung ikasal kami sa iba at magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay.

Mahalin mo ang nanay mo. Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan Mo. Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya
pinapagalitan. Kung mali naman talaga, huwag mo nang ulitin. Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, puro manyak, puro leadtech, puro equipment tech, puro Process engr, puro equipment engr, puro visor, puro manager, puro HR, puro IE o puro nasa taas lang ang kaya mong batiin! Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa barkada mo. Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. Marami silang maituturo sa yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.

Maging fluent ka sa written and spoken English. Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement. Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. Kasi anak,darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa

Kabayan Blogger Tat on Carmen Electra's Butt

I saw her just this afternoon and she begged to have my name so she can have it tattooed on her butt...yeah right just another guys alter ego tall tales.

It's true that's my name tat on Carmen Electra's butt. If you don't believe me click this link to watch the full clip of how she brag about that tat.

LOL!

Have you seen the clip?

Do you want you name on her butt instead! If you want to amaze your friends. Then visit this link. Type in your name (12 characters only) and upload your most admired photo...then copy the url and e-mail the links to your friends and be part of Carmen Electra's promotion of her new movie Spartans - a comic version of the 300.

Enjoy and don't forget to subscribe as a reader to be updated to all upcoming post! :-D

Letter from USA (funny)

This is some of the old file i found from old CDs i burned some two years ago (i have no idea of blogging back then). I'm sharing it now!

This story shows how witty and funny we are, read along and smile. (** who ever forwarded this to me two years ago..thankz)

SULAT GALING AMERIKA

Anak,

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na kami sa Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng kapatid mo.

Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi "FOR DRY HAIR" kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay "YALE", eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng "YALE", wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa "Federal Express" medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao sa ilalim niya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie. Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.

Love,

Mama

p.s. Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha.


Don't forget to Subscribe in as a reader.

Image from eclecticelements

Cebu Inmate do the Thriller

Thriller by Micheal Jackson capture imaginations of many artist. Different version of it's dance came out. Their is a wedding thriller and indian thriller version. Now the lastest version are Filipino Inmates doing an exercise of Michael Jackson favorite.

Watch it and tell me if my eyes is fooling me. Are they wearing make-up and mask or not?..lol :hilo:



Story of a Loving Parents! (Tagalog Funny Stuff)

It's been a while since i post my collection of tagalog jokes and bar jokes. It's because i reformat the pc i'm using now and back-up all my file on a dvd but unfortunately i did not notice i don't have a dvd reader...lol. The file is like lost for a while. But until i buy me a dvd reader for the mean time here is another tagalog funny stuff (from my inbox). The Story of Loving Naive Parents. (kids don't do this)

Dear Anak,

Kamusta ka na! Kami ng tatay mo eh ayos lang. Iyong kelangan mo ay naipadala ko na 50 thousand pesos na pang-tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE at Ragnarok, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N90, ang mahal naman ng project nayun. Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun?

Mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla palang namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD ba iyn or I-Pone na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportable kaba dyan sa boarding house mo san ba kamu yan sa VICTORIA COURT ??? - maganda ba dyan? Di ba mainit dyan? Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT? Napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun?

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari arian natin ay maka gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa VULCANIZING??? Sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating nasa sanglaan.

Ay sya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? Baka hindi masarap kawawa ka naman. Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal

Itang at Inang
P.S. Anak mag aral ka ng mabuti wag magbubulakbol

Get Reviewed At ReviewMe!

How Not To Please Your Boss? (Tagalog Jokes)

A fellow pinoy blogger wrote about the F-Word, my comment is that most Pinoy can't take a wild reply. Here i post from my inbox how to say the F-word to your boss the Tagalog way! :galit:

1. Ano!? Yan lang di niyo pa kayang gawin at iuutos niyo pa sa akin?

2. Hellooo! Gawin niyo na iyan no para naman huwag niyong makalimutan kung paano mag-isip.

3. Sir, makinig kaya kayo sa akin!? Pwede?

4. Puwede ba, busy ako? Mamaya na po yan.

5. Gumawa kayo ng sarili niyong presentation!

6. If challenges are more important than financial rewards, then why don't you just trade in your salary for my challenges?

7. Pwede pong paki-decide kung alin sa 10 inutos niyo sakin ngayon ang talagang urgent?

8. Absent po ako today. Wala lang, ayaw ko po kayong makita eh...

9. Pwede bang mag-all expense paid na vacation? Sige na naman, pagod na pagod na po ako eh.

10. Sir, bili niyo naman akong yosi. Sige na! Sa inyo na lang po yung sukli.

11. Uwi na po ako ha. Bahala na kayo dito sa opis..

12. Sir, pwede po bang taasan ang sweldo ko? Ang hirap kasi ng trabaho ko eh, ang pakisamahan
kayo!

13. Mag-reduce naman po kayo! Mukha na kayong balyena eh.

14. Bakit po pag kami walang ginagawa pinapagalitan niyo kami? Pero bakit pag kayo ok lang?

15. Akala niyo ba magaling kayo? Wala lang silang mapiling iba kaya kayo nilagay diyan sa
pwestong yan!

16. Ma'am, ang bait niyo po talaga. Sana kunin na kayo ni Lord.

17. And it is with utmost sincerity that I wish you the best of luck spending the rest of your afterlife rotting in hell at Satan's side where you belong.

18. Kung totoong nag-client call kayo patingin ng service report niyo!

19. Sagutin niyo naman yung telepono. A little exercise won't hurt.

20. Sige, gagawin ko po ito. Pero pagtimpla niyo ko ng kape.

21. Shut up when I'm talking to you!

22. Kayo itong may pa-kotse tapos ako uutusan niyo pumunta sa meeting? Ano kayo, hilo!??

23. Ano?!! Di niyo alam mag-print? Sayang ang laptop niyo ma'am.

24. Sir aminin niyo na po, nagpapa-cute lang kayo sa client. Kunyari pa kayo na binebentahan niyo siya.

25. Ang ganda ng resulta ng pagkaka-plastic surgery niyo, banat na banat! Lalo tuloy kayo pinagtatawanan eh.

26. If you really think it's that important, di kayo gumawa.

27. Sir, palit tayong sweldo!

28. Ang sarap po siguro ng trabaho niyo no? Biro niyo utos lang kayo ng utos samin. Ang laki pa ng sweldo!

29. Gusto niyo mag-trabaho naman for a change?

30. Do my work over the weekend?!?! At baket!? Sino kayo para utusan ako?

31. Ngayon na due ito? Eh di kayo gumawa!

32. Can't you see I'm goddamn busy?

33. If you need me, bukas na lang. May date po ako ngayon eh.

34. Asus!! Mage-edit lang hindi pa kaya! Kayo na lang ang mag-edit para hindi sayang sa oras.

35. Sir, tinatamad po akong pumasok ngayon e. Sa bahay na lang po ako mag-iinternet at mage-games, ala pang gastos.

36. Huli kayo! Nanonood din pala kayo ng VCD ha!

37. Sir, lahat po ng kelangan niyo nandyan na. Kelangan niyo lang po tingnan mabuti!

38. Tsk tsk tsk, yan na nga ba sinasabi ko e. Ayaw niyo kasi makinig sakin.

39. Pwede bang sakin na lang position niyo?


Don't! Stop! How about don't stop!

Curiosity kills the cat. Bainybimbo's bobo button is so irresistible. If you don't want to know what will happen next please don't press the red button.




Put The Big Red Button on your site



If you're in total control of your temptation to press that button, how about testing how not dumb you are? They also have other quiz like relationship and games.

How smart are you?



Tagalog Jokes (collection # 3)

Enjoy this third collection of Kabayan Junction's Filipino funny jokes, if you enjoy this please comment for more.



Rommel: Alam n’yo, palagay ko, madaling operahan sa lahat ang mga accountant. De numero tiyak ang organs.
Mark: Sa tingin ko, mas madaling operahan ang librarians. Alphabetical ang mga organ.
Jeffrey: Sa akin, ‘yung mga electrician. Color-coded kasi ang organs.
Phillip: Mali! Pinakamadali ang mga pulitiko… mga walang puso’t buto ang mga ‘yan! Walang pakiramdam. At higit sa lahat, pareho lang ang utak sa puwet!
***
Titser: Patrick, ano ang sinabi ng mga magulang mo nang makita ang grades mo?
Patrick: Lahat po ba ng sinabi nila o tatanggalin ko po ‘yung bad words?
Titser: Tanggalin mo ang bad words.
Patrick: Wala po.
***
KASABIHAN: Kapag maiksi ang kumot, unano ang natutulog.
***
Jake: Pare, may good news at bad news ako sa ‘yo. Alin ang gusto mong unahin ko?
Harold: ‘Yung bad news muna, pare.
Jake: ‘Yung nililigawan mo na si Joy, may syota na, pare!
Harold: Ano naman ang good news?
Jake: Syota ko na si Joy, pare!
***
Pilar: Mare, pwede ba, dito muna ako sa inyo? Lumayas ako sa ‘min. Kasi, buntis ako.
Emilia: Dapat, sa lalaking nakabuntis sa ‘yo ka pumunta.
Pilar: Kaya nga pumunta ako rito, eh. Nandiyan ba si pare?
***
Ulat ng reporter:
"Sa ulo ng mga balita… Isang buntis, nasaksak. Sanggol, nakailag. Ayon sa ina, nagyayabang ang kanyang sanggol na kamag-anak nila si Bruce Lee."
***
Sa laki ng earth, di ba, nakatutuwa na nagkakilala tayo?
At sa dinami-rami ng mga tao, di ba, nakapagtataka kung bakit tayo pinagtagpo?
Sabi kasi ng matatanda, "Basta mga pasaway, bagay pag-untugin!"
***
A Girl’s Prayer:
"Lord, I pray for WISDOM to understand my man… LOVE to forgive him… PATIENCE for his moods… because, Lord, if I pray for STRENGTH, baka mabugbog ko lang!"
***
Puso: Mahal ko talaga siya!
Utak: Alam ko. Sobra pa nga, di ba?
Puso: Alam mo naman pala, eh! Bakit pilit mo pa siyang kinalilimutan?
Utak: Ayaw ko na kasing masaktan ka.
***
May tao na bigla kang iiwan…tapos, biglang lilitaw… para lang paasahin ka.
Para mas saktan ka.
Kaya lagi mong tandaan… ang pangalawang pagluha, katangahan na.
***
Sa isang kampanya, sinabihan ng organizer ang emcee, "Paki-acknowledge naman si mayor. Late na kasi dumating. Ayun, o, kadadaan lang."
Sey ng emcee, "I would like to acknowledge the arrival of the late mayor who just passed away." ***
Nasa bus sina Jinggoy at Erap…
Jinggoy: Dad, bakit ka nakapikit? May sakit ka ba?
Erap: Wala. Ayaw ko lang makakita ng matandang babaeng nakatayo sa bus.
***
Sa barangay hall…
Kandidato: P20,000 para sa barangay kung mag-#1 ako rito!
Barangay chairman: Manalo lang nga, hirap na… mag-#1 pa?!
Kandidato: Gagawin kong P50,000 para sa barangay!
Barangay chairman: Ilagay n’yo sa donation box. Balikan n’yo bukas. Kapag nawala, tinanggap ng barangay.
Kinabukasan… nandoon pa rin ang P50,000…
Kandidato: Chairman, P50,000 para sa ‘yo!
Barangay chairman: Aba! Hindi ako mahirap kausapin! Pero hindi #1.
Kandidato: Bakit naman?
Barangay chairman: Mas malaki ang bigay nu’ng nauna sa ‘yo!
***
‘Kainis ‘tong bagong SIM card.
Arman: Hindi maka-call. Hirap makapasok!
Lito: Ano bang sabi? Network busy, system busy, o number busy?
Arman: Erection error daw!
***
Nakaharap si misis sa malaking salamin…
Misis: Ang taba ko na! Magsabi ka naman ng magandang bagay tungkol sa akin.
Mister: Malinaw pa ang mga mata mo, darling.
***
Hospital director: May reklamo ka raw sa doktor namin?
Babae: Bigla kasing ipinasok ang dalawang daliri niya sa ari ko!
Hospital director: Talagang ganu’n kapag ine-examine.
Babae: Di ba, dapat… dilaan muna?
***
Mommy: Anak, kumusta ang first day mo sa school?
Anak: First day? Ibig pong sabihin, babalik pa ako bukas?
***
Minsan sa buhay, takot tayong harapin ang katotohanan. Kasi, madalas, nasasaktan tayo. Ako?
ngayon, isa lang ang kinatatakutan ko. Alam mo kung ano?
SECRET! Baka takutin mo pa ako, eh!
***
"Ang pag-ibig ay parang imburnal…"
Nakatatakot mahulog. At kapag nahulog ka, it’s either by accident o sadyang tanga ka lang talaga.
***
T: Ano ang sinabi ng ipis sa taong nanghahampas ng tsinelas sa kanya?
S: "Kung makapalo ka, akala mo, anak mo ako, ah?!"
***
If someone asks me what friendship is, tatabi ako sa ‘yo… ngingiti sa ‘yo… aakbayan ka at bubulungan, "Anong sabi niya? English, eh!"
***
I have a little angel flying around with a hammer.
Each person he hits, gets a little bit of my love and friendship…
Sana… bugbugin ka niya… para damang-dama!
***
Maraming uri ng tao. May gwapo, maganda, cute…
Ang swerte ko. Kasi, sa dami ng tao, nakilala kita.
Mabait….funny…saan ka pa!
***
Reporter: Your Eminence, meron ho ba tayong pag-asa na Pinoy ang susunod na Santo Papa?
Cardinal Rosales: Meron. Kapag Comelec natin ang magbibilang ng mga balota!
***
T: Ano ang kaibahan ng JOKE sa MAGTANIM?
S: Ang JOKE ay biro. Ang MAGTANIM ay di biro.
***
T: Bakit bulaklak ang kadalasang design sa panty?
S: Kasi, alay sa mga patay na buhok.
T: Eh bakit sa brief, wala?
S: Kasi, meron nang nakatirik na kandila… may alay pang itlog!
***
Usapan ng mag-ama…
Anak: Daddy, sino ang mas mahal mo… ako o si mommy?
Daddy: Syempre, ikaw!
Anak: Sabi ko na, eh! Kasi, kapag maginaw, kinukumutan mo ako. Pero si mommy… hinuhubaran mo!
***
Titles of upcoming sexy tagalong films:
Ang Kati Ng Higad Mo
Bubudburan Ko Ng Niyog Ang Mainit Mong Pichi-Pichi
Kapag Gumabi, Bumubuka Ang Kabibe
Lawayan Mo, Baka Mausog
Huwag Mong Ibabad, Isawsaw Mo Lang
Napagod Ang Bunganga Sa Laki Ng Tilapia
Huwag Mong Kamayin, Baka Mapanis
Pasalat Ng Peklat
Diligan Mo Ng Suka Ang Nanunuyo Kong Lumpia
NOOD NA!
***
Ano sa Tagalog ang SEX?
Ano nga ba?
Nagsisimula sa ‘K’ at nagtatapos sa ‘N’…
Panigurado, alam mo!
Alam ko ang iniisip mo… ‘KA… AN’!
:::::
KASARIAN, di ba?
‘Yun ba ang sagot mo?
***
Nagpasiklaban ang tatlong doktor…
Doktor #1: Inoperahan ko ang bisig ng isang pasyente at ngayon ay isa na siyang sikat at magaling na basketbolista!
Doktor #2: Inoperahan ko ang binti ng isang pasyente at ngayon ay kilala na siya sa mundo bilang mahusay na marathon runner!
Doktor #3: Panis ang mga ‘yan! Inayos ko ang ngiti ng isang hangal at ngayon, isa na siyang senador!
***
Sa isang ospital…
Misis: Dok, kumusta ho ang mister ko?
Dok: He’ll be ALL RIGHT!
Misis: Ho?! Pagkatapos ng grabeng aksidente niya?!
Dok: Oo naman! Pinutol namin ang kanyang left arm at left leg, so, ALL RIGHT na siya!
***
Dok: Iwasan mo ang maalat at mataba!
Diego: Eh paano ‘yan, dok… mataba ang misis ko.
Dok: Maghanap ka ng slim. Ehe! Ano ba’ng nasabi ko?!
***
Sa isang OB gyne clinic, pinaghuhubad ang lahat ng babaeng nagsasadya habang hinihintay matawag ang kani-kanyang numero…
Adora: Ang bastos talaga ng doktor na ‘to! Hubo’t hubad tayo, magpapa-BP (blood pressure) lang naman ako!
Belinda: Buti ka pa, magpapa-BP. Ako, kukunin ko lang ang resulta ng lab test ko.
Clara: Ang swerte n’yo! Ako, kukunin ko lang ang payong na naiwan ng nanay ko kahapon!
***
Mister: Ano kaya ang mangyayari sa ‘yo kapag namatay na ako?
Misis: Baka mamatay na rin ako.
Mister: (natuwa) Bakit naman?
Misis: Eh kasi, nakamamatay minsan ang sobrang kaligayahan, ‘di ba?!
***
Nagkuwentuhan ang tatlong magkukumare tungkol sa kanilang karanasan sa pag-blowjob sa kani-kanyang mister.
Sabi ni Jenny, "Ang itlog ni Samuel ko, malamig!"
Pag-ayon ni Norma, "Oo nga, eh! Kay Harold ko, malamig din!"
Sambit ni Cora, "Hindi ko pa alam mag-blowjob. Susubukan ko mamayang gabi!"
Kinabukasan, bugbog-sarado si Cora.
"Bakit puro pasa ang mukha mo, mare?" usisa nina Jenny at Norma.
Paliwanag ni Cora, "Pag-blow job ko kay Jose, tinanong ko siya, ‘Bakit ang init ng itlog mo? Kina kumpareng Samuel at Harold, malamig!’ Tapos, sinapuk-sapok na ako! Hu! Hu! Hu! Hu!"
***
Sa isang fastfood restaurant…
Lolo: John, pakiabot mo nga ang kutsara.
Apo: Lo, Jenny po.
Lolo: John, pakiabot ng kutsara.
Apo: Lo, Jenny po!
Lolo: Leche kang bakla ka! Iabot mo na nga ang kutsara!
***
"It’s better to cross the line and suffer the consequences than just to stare at the line for the rest of your life." – Patakaran sa Patintero
***
Bata: Itay, kinakain po ba ang SHIT?
Itay: Ha? Bakit mo naman naitanong?
Bata: Kasi po, kagabi, narinig ko si ate, sabi sa boyfriend niya, "Shit, ang sarap!"
***
Joshue: Isosoli ko ‘tong nabili kong DVD.
Eliseo: Anong problema?
Joshue: Walang picture at sound. Sayang… suspense thriller pa yata ‘to.
Eliseo: Anong title?
Joshue: The Lens Cleaner.
***
T: Bakit ang tao, kapag ipinanganak, madalas na ulo ang unang lumalabas?
S: Kasi, ang tao, kapag ginagawa, ulo rin ang unang pumapasok. ‘First In, First Out’ policy ang tawag du’n.
***
Mahirap sabihin ang "I hate you." Pati ang "I’m sorry." Lalo naman ang "I love you."
Pero pinakamahirap sabihin ang, "Iskibiratsiboop iskirababap bloopikiribitkiribit!"
Ikaw nga?!
***
Isang araw, may itinanong ang isang bata sa kanyang ama.
"Itay, paano ba ninyo ako ginawa ni Inay?" usisa ng bata.
Sagot ng ama, "Madali lang, anak. Kumuha kami ng Inay mo ng banig… nilukot namin at itinabi sa sulok… at nang tingnan namin kinabukasan, nandoon ka na."
"Ganu’n lang?" sey ng bata, na bumubulung-bulong habang pumunta sa kuwarto.
Kumuha ang bata ng banig. Nilukot iyon at itinabi sa sulok.
Kinabukasan, nang tingnan ng bata ang banig, may lumabas na ipis.
Sinabihan ng bata ang ipis, "Pasalamat ka at naging anak kita! Kundi ay hinambalos na kita riyan!"
***
Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Nais ko ay malaman mo
Na cute ako
***
Kung may isang kulang ngayon sa buhay ko… hindi ‘yun yaman o kaya kaibigan.
Hindi rin lovelife o sexlife.
Simple lang ang kailangan ko… pampapangit!
‘Yun lang.
***
Bakit kita barkada?!
Kasi, you’re… astig kasama! Lupet katropa! Bagsik pumorma!
Hanep sa patawa! Tindi sumuporta!
In other words… ayusin mo ang buhay mo.
***
Top corporate positions for women…
VP: Virgin Pa
FVP: Feeling Virgin Pa
EVP: Ewan kung Virgin Pa
CEO: Certified Expert in Oral sex
***
Naalala ko, noong nasa school ako, may nagtanong…
"Paborito mo ba ang Geometry? Kasi… kahit anong angle, ang cute mo!"
Haaay… nakahihiya talaga, sobra!
***
Huwag mong isiping pangit ka…
:::::
Maiinis ka lang.
***
"Ibinoto ko si Chavit Singson. Dahil sa kanya, hindi na palabuy-laboy ang asawa ko. Hindi na siya lasenggo, sugarol at babaero." – LOI
***
"Handa kong ibigay ang init ng katawan na ninanais mo at sisiguraduhin ko na hindi ka makatutulog…" – SUMMER
***
When you run so fast to get somewhere, you miss the fun of getting there.
Life is not a race, so, take it slower. Hear the music before the song is over.
In short, mag-exercise tayo tuwing umaga!
***
Juanito: Ang gulo talaga ng buhay!
Paeng: May gugulo pa ba sa buhay ko? Tingnan mo… ‘yung pinakasalan kong biyuda, may dalagang anak. Pinakasalan ni Itay ang dalagang anak ng asawa ko. Lumalabas na nanay ko ang anak ng aking asawa, at si Itay ay anak ko.. Ang asawa ko naman ay biyenan ni Itay. Nang magkaanak sila, ako ngayon ang lolo ng kapatid ko! Ang gulo!
***
Hi! Kumusta?
Siguro, ang saya-saya mo. Buti ka pa. Ako, eto, pinagagalitan dito sa amin.
Sinigawan ba naman ako. Biruin mo, sabihin ba namang, "Kung ganyan ka ka-cute… lumayas ka na rito!"
Tama ba ‘yun?
***
Sometimes, emotions burst when it’s tightly kept. So, I just want you to know that if there’s something wrong, always remember that there are THREE DOORS opened just for you:
mataDOOR!
emperaDOOR!
fundaDOOR!
***
Mahirap magmahal ng bago. Darating ang panahon, maaalala mo ‘yung isang mahal mo.
Sino ba dapat?
‘Yung PRESENT mong mabait… o ‘yung EX mong sobrang galing HUMALIK?!
Patay tayo riyan!
***
Paalala ng isang airline:
"We are now preparing to land in San Francisco International Airport. Should you need any assistance, please don’t hesistate to ask us. We hope you enjoyed your flight!
"Paalala sa mga Pilipinong pasahero… ang mga unan, kumot, plato at iba pang mga gamit sa eroplano ay hindi kasama sa pasalubong. Maraming salamat po!"
***
Sabi ng isang mapagmahal na ina sa probinsya sa kanyang anak na nag-aaral sa Maynila:
"Hello, anak? Naipadala ko na sa LBC ang P50,000 na pangmatrikula mo sa eskwelahan.
"Ipinagbili na namin ‘yung kalabaw natin. Ang mahal pala kapag Automotive ang kurso mo.
"Wala na rin tayong alagang baboy. Naipagbili na rin namin ng tatay mo para sa sinabi mong project… Nokia N95 ba ‘yun? Anak, ang mahal naman ng project mo.
"Kasama rin doon ang baon mong P7,000 para sa recollection ninyo sa MOA… Saan ba ‘yun? Siguro, ang laking monasteryo."
***
Bisaya: Hulaan mo kung ano ang alaga naming hayop. Nagsisimula sa letter I.
DJ: Isda?
Bisaya: Dili!
DJ: Ibon?
Bisaya: Lapit na!
DJ: Sirit! Ano?
Bisaya: Igol (eagle)!!]
***
If only I’m an angel… I’ll protect you, lend you my wings, watch over you 24/7.
But what can I do? Eh demonyo ako!
So, paano? Papatayin ko na lang ang magpapaiyak sa ‘yo…
***
If there are 1,000 steps between us, take the first step and I’ll take the rest…
If we have found P1,000, ano pa nga ba? Eh ganu’n din… sa ‘yo, piso, and I’ll take the rest.
***
Sa ngayon, malayo tayo sa isa’t isa. Hindi tayo nagkikita at alam kong nami-miss mo rin ako.
Tandaan mo… kung gusto mo akong makita, tumingin ka sa itaas… baka sakaling makita mo ang billboard ko!
***
Jenny: Nakipag-break ka na raw sa boyfriend mo?
Melissa: Oo. Hindi kasi marunong humalik. Nakaiinis! Isang style lang ang alam, hindi ko feel!
Jenny: Anong style ba ang alam ng boyfriend mo?
Melissa: Flying kiss.
***
Apo: Lola, ang sarap naman po ng tapa na nasa platito. Malinamnam na malinamnam po!
Lola: (nanginginig ang boses) Ay naku, apo! Hindi tapa ‘yon! Binakbak ko lang ang sugat ko…
***
Lolo: Pakiabot naman ‘yang posporo.
Lola: Andiyan naman ‘yung Shellane, eh!
Lolo: So, ipanlilinis ko ‘yang Shellane sa taynga ko? Haller!
***
Nanay: Juan, nasaan ang MAYON VOLCANO?
Juan: Aba, ‘Nay, malay ko! Kayo itong burara! Kung saan-saan ninyo inilalagay, tapos, kapag hindi ninyo makita, sa akin ninyo hahanapin?! Ayusin n’yo ang buhay n’yo!
***
Dahil sa SEX…
Marami akong nakilala. Natuto akong magpuyat. Kahit anong posisyon ay kaya ko… nakahiga, nakaupo, nakatayo o nakatuwad.Gosh … SEX ba ang nasabi ko? I mean… TEXT!!!
***
Naghahanap ang isang mayamang biyuda ng mapapangasawa na hindi mambubugbog sa kanya, hindi siya iiwanan at magaling sa kama.
Daan-daan ang nag-apply pero walang pumasa sa panlasa ng biyuda.
Isang araw, tumunog ang kanyang doorbell. Pagbukas ng biyuda sa pinto, tumambad sa kanyang paningin ang isang lalaking walang mga kamay at paa, at nakahiga sa ‘welcome mat.’
"Ano ang sadya mo?" usisa ng biyuda.
"Ako ang lalaking hinahanap mo!" tugon ng lalaki. "Hindi kita bubugbugin dahil wala akong mga kamay, at hindi kita iiwanan dahil wala akong mga paa."
"Bakit, magaling ka ba sa kama?!" tanong ng biyuda.
Ngumisi ang lalaki, "Hulaan mo kung ano ang ipinampindot ko sa doorbell."
***
Nagsabihan ng lihim ang tatlong pari…
Pari #1: Sa inyo ko lang ‘to sasabihin. May nabuntis akong parokyana.
Pari #2: Ako naman, bading. May boyfriend akong sakristan.
Pari #3: Ako naman, madaldal.
***
Ang kaibigan ay parang video…
May action at may love story! Pero kung ikaw ang bida, ahh… alam ko ‘yan!
Sure ako…
Scandal ‘yan!
***
Richard: Totoo yatang malas ang number 13.
Cesar: Bakit mo nasabi ‘yan, pare?
Richard: Ahh… ehh… ‘yung friend kong senatoriable, pang-13 siya!
***
Kathy: Totoo bang ang nagustuhan mo kay pare ay ang pagiging POTENTIAL good lover?
Ella: Ahh… ehh… oo. Pero FOOTential ang tinutukoy ko.
Kathy: Anong ibig mong sabihin, mare?
Ella: Halos 1 FOOT ang manoy niya!
Kathy: Ay, FOOT-ah! Sarap naman!
***
Ang tunay na cute, wala sa mukha… sa ayos… o sa panlabas na anyo.
Dahil ito ay nasa… akin lamang!
Inuulit ko, sa akin lamang! Pwera usog!
***
Hindi ko masabing hindi ko kayang mabuhay nang wala ka. Kasi, nabuhay na ako bago pa kita nakilala.
Siguro, mas magandang sabihing…
"Ayokong mawala ka. Kasi, mas masarap mabuhay kasama ka."
***
Love isn’t about having the other or even having each other. It’s really about what we become because of the other.
***
Sometimes, love is a playing card…
Kaya mag-ingat ka sa pipiliin mong mahalin.
Love spade… heart… diamond… flower… but never love the JOKER!
Or else… magagalit si Batman.
***
"Guys, please don’t vote for JOKER. Kasi, kaaway namin siya." – BATMAN & ROBIN
***
Na-in love ang isang aso sa isang baboy.
Isang araw, naglakas-loob ang aso at sinabi niya, "Baboy, mahal na mahal kita…"
Ang sagot ng baboy… "Oink."
***
Kapag nabigo ka sa pag-ibig, huwag kang iiyak… huwag kang uminom ng alak… huwag kang magmakaawa.
Instead, tumayo ka and be proud to say, "Yes! Available na naman ako!"
***
Love starts with a smile… grows with a kiss… ends with tears…
‘Yun lang!
Ano pa ang gusto mo?!
May sex pa, tapos, magkaka-baby pa?!
Mahirap ang buhay ngayon!
***
True love doesn’t speak loud.
Just a soft whisper is enough because it’s not the mouth that really talks… it’s the heart.
So, let me whisper…
"Sssshhh… special ka… special child."
***
May nakakita sa akin na malungkot at nag-iisa.
Sabi niya, "kung mahal mo siya, bakit hindi mo ipadama?"
Tumulo ang aking luha at ang sagot ko, "Mahal ka riyan! Naiwan ako sa outing, tanga!"
***
"Tepung terigu, kepingan coklat gula minyak nabati, bubuk coklat garam pengembang lemak jenuh berdasarkan."
HUWAG KANG MAG-ALALA. Hindi sumpa ‘yan.
Ingredients ‘yan ng Chips Ahoy na galing Malaysia!
***
T: Bakit hinihila ang tali?
S: Kasi, mahirap itong itulak.
***
Kung kasalanan maging masarap…
Kung kasalanan maging kaakit-akit…
:::::
I’m sorry.
***
Sabi nila, ang buhay ay puno ng pagsubok.
Sabi ko naman…
:::::
"Ah, ok."
***
Minsan, isip-bata ako. Minsan, seryoso.
Minsan, sweet. Minsan, sensitive.
At minsan, manhid.
Pero kahit praning, magulo at makulit ako… sa totoo lang, laking-NIDO rin ako!
***
Anak: Itay, wala na naman po tayong ulam.
Itay: Mahirap ngayon ang buhay, anak. Tiis muna tayo. Isipin mo na lang ‘yung ulam na sasabihin ko sa bawa’t subo mo.
Anak: Sige po, Itay!
Itay: Nilagang baka.
Anak: Hmmnn… sarap!
Itay: Adobong baboy.
Anak: Hmmnn… sarap!
Itay: Kalderetang kambing.
Anak: Hu! Hu! Hu! Hu!
Itay: Bakit ka napaiyak?
Anak: Maanghang po, Itay!
***
Korina: Why whould we vote for you?
Pacquiao: Mas mabuti ang bagong katulad ko dahil wala pang sungay.
Korina: In English?
Pacquiao: Well… I’m brand new, so, I’m not yet horny.
***
Dalaga: Walang hiya ka! Niloko mo lang ako! Ba’t hindi mo sinabi na may asawa ka na?
Lalaki: Excuse me! Aba, sabi mo, naghahanap ka ng husband. Well… I’m a husband!
***
Usapan ng dalawang pusa…
Pusa #1: Pare, umalis ka nga sa tabi ko. Nahihirapan akong huminga!
Pusa #2: Anong kuneksyon?
Pusa #1: Hello! May hika kaya ako?! Allergic ako sa fur! Meowww…
***
Usapan ng dalawang aso…
Aso #1: Pare, sabi nila, ang laway raw natin, may rabies. At ang rabies, nakamamatay!
Aso #2: O, tapos? Anong problema?
Aso #1: Nalunok ko ang laway ko! Kinakabahan ako! Shit!
***
Tinititigan ng isang matandang lalaki ang isang teen-ager na kalapit niya.
Ang buhok ng teen-ager ay spike na may kulay berde, pula, orange at asul.
Nairita ang teen-ager at sininghalan ang matandang lalaki, "Lo, wala ba kayong nagawang wild nu’ng inyong kabataan?"
Sagot ng matandang lalaki, "Hindi sa ganu’n. Dati kasi, sobra akong nalasing at tinira ko ang isang peacock. Iniisip ko lang, baka ikaw ang anak namin…"
***
Habang ako’y naglalakad, may babaeng nagtanong sa akin, "Hoy! Ikaw ba ang Hari ng Apoy?"
"Hindi," sagot ko.
Sabi ng babaeng nagtanong, "Ay, sorry! Kasi… nag-iinit ako sa ‘yo, eh!"
***
PSYCHOLOGICAL FACT:
All emotional pains last for 12 minutes or less. Anything longer than that is self-inflicted.
In short… nag-iinarte ka na lang no’n?!
***
Napasilip si Totoy sa kuwarto ng kanyang daddy at mommy. Na-shock siya sa kanyang nakita.
Sinigawan ni Totoy ang kanyang mommy, "Mommy! Pinagagalitan mo ako pag sinusupsop ko ang hinlalaki ko! Pero ikaw…?!"
***
In our life, there will come a time wherein we will hate it because of the things that hurt us but we should never give the blame to our lives because whatever amp#%$ah, ang hirap mag-English!
HELLO na nga lang!
***
Sa kuwarto ng mag-asawa, may pumasok na killer…
Killer: Gusto kong malaman ang pangalan ng biktima ko bago ko siya patayin!
Misis: Inday po.
Killer: Inday rin ang pangalan ng nanay ko. Sige… hindi na kita papatayin. Ikaw… ano ang pangalan mo?
Mister: Ang pangalan ko’y Gary… pero ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Inday.
***
Reporter: Manny, anong bill ba ang gagawin mo kapag congressman ka na?
Pacquiao: Anong BILL? ‘Yung tumotonog pagkatapos ng bawa’t round sa boxing?
***
Isang araw, nagpa-check up si Bambi dahil sa kanyang sakit…
Bambi: Dok, itatanong ko lang ho sana kung may gamot kayo sa pagtatae. Tuwing umaga kasi, tumatae ako, automatic pagpatak ng alas siyete…
Dok: O? Anong problema ro’n? Normal lang ‘yun.
Bambi: Kasi ho, nagigising ako, alas ocho na…
***
Kapangyarihan ng alak
Taglay ay tama
Kambal ang tingin
Gumegewang ang dating
Kami ang… Super Drunk
Inuman na!!!
***
ALAMAT NG PANDEKOKO
Noong unang panahon, wala pang pandekoko. Monay lang ang meron.
Pero may isang panadero na ang pangalan ay Koko.
Namatay si Koko dahil sa alak siya’y naloko. At sa pinaglibingan sa kanya ay may isang sakong tinapay na natagpuan.
"Wow! Ang sarap na tinapay ‘to! At may matamis na palaman sa loob!" sabi ng taumbayan. "At dahil ang nakalibing diyan ay si Koko, tatawagin natin ‘yan na kokojam."
Ay! Alamat pala ‘to ng kokojam.
***
A simple text means ‘I care’… enough to flex my thumb, search your name, wait for ‘message sent’ then think of you and smile as I say:
"Sana, okey ka kahit tulala ka at tumutulo ang sipon mo!"
***
SAYINGS TO LIVE BY
Birds of the same feather are the same birds.
Do not do unto others what you can’t do.
An apple a day is not an apple at night.
When the cat is away, the mouse is alone.
If others can do it, don’t help.
Tell me who your friends are and I’ll tell you mine.
Early to bed and early to rise makes you sleepy in the afternoon.
Ang ilog na tahimik ay malalim. Ang ilog na maingay, may naglalaba.
***
Kung ang lahat ay magbabago at ang lahat ay lilipas… hindi ko sisirain ang pinagsamahan natin!
Pero kung makalimutan mo ‘ko, wala akong magagawa.
Basta ako… sisingilin pa rin kita sa utang mo!
***
Ang sarap tingnan ng langit, ‘no?
Pero nakangangawit tumingala.
Buti na lang, andito ako. Isang lingon mo lang… langit na!
***
Kapag ang love, pinabayaan… mawawala ‘yan.
Parang yelo… natutunaw hanggang sa mawala. Kapag kailangan mo na, saka mo hahanapin.
Kaya kapag nagmahal ka, siguraduhin mong may ref ka!
***
Friends are funny and cute. I mean, look at us. Di ba, tayo ang ebidensya nito?
Ako, cute. At ikaw ang funny.
***

More women join wealthymen.com than any other site


***
Misis: Tama na ‘yang beer mo, masyado kang magastos!
Mister: ‘Yang make up mo, mas magastos!
Misis: Nagpapaganda ako para sa ‘yo…
Mister: Ako, umiinom para gumanda ka!
***
Anak: Itay! May manok sa kusina! Tinutuka ‘yung bigas!
Itay: Paalisin mo!
Anak: Oy, manok! Alis ka raw!
Itay: Tanga! Takutin mo kasi!
Anak: Manok, mumu ako! Awoooo!
Itay: Hindi ganyan. Bugawin mo!
Anak: Boss, chicks? P50 lang, o! Tumutuka ‘to!
***
Bakit kahit anong sama ng Isang tao pag namatay. Maraming tao ang nakipaglibing.
Ang dahilan eh...gusto lang nilang masiguro na nailibing nga ito.
***
Magandang umaga po sa inyong lahat. May kasabihan po tayo na ang batang maagang gumising, maraming gagawin.
Kaya para makaligtas sa mga gawain, magpatanghali ng gising!
***
Tinanong ko ang lolo ko, "Masakit po ba talaga ang magmahal nang lubos?"
Ang sabi ni lolo, "Apo… mayaman tayo. Ayos lang kahit magmahal ang pulbos."
Ay, naku!
***
Sabi, parang paru-paro raw ang tao. Sa umpisa, mga UOD muna tayo. Walang ganda.
Pero darating ang panahon na magiging ganap ang kagandahan.
Teka!
Ang tagal mo nang uod, ah?! Bulate ka siguro!
***
Alin ba ang pipiliin mo?
‘Yung nasa puso mo? ‘Yung laging pumapasok sa isip mo?
O ‘yung laging pumapasok sa kuwarto mo?
***
You must always follow your heart, not your mind… because there’s a saying…
"NEVER MIND."
Ang lalim, ‘no?
***
Science has proven that sugar melts in water…
So, please don’t let me walk in the rain.
Otherwise, you’ll lose such a sweet person like me.
***
Bugaw: Boss, gusto mo ng chicks? P1,500 lang, bata pa at high school student.
Lalaki: Mahal! Wala bang mura? ‘Yung mas magaling pa sa estudyante…
Bugaw: Meron. P150 lang… principal.
***
Mister: Hon, promise, simula ngayon, iiwan ko na ang mga kabit ko!
Misis: Wow! Thank you, love! Ako naman… I promise, ang susunod nating anak, ikaw na ang ama. Promise talaga!
***
Ayon sa isang lider ng Abu Sayyaf, magkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao sa isang kundisyon… pagsumuko na ang militar.
***
Sa isang pulong na politikal, tinanong ang isang kandidato, "Gaano po ba karubdob ang hangarin ninyong maglingkod sa bayan?"
Tugon ng kandidato, "Pinakamarubdob ang pagnanasa kong maging lingkod ninyo. Napaka- yaman ng ating bayan, kaya naman milyones din ang puhunan ko.
"Handa rin akong pumatay mapaglingkuran lang kayo!"
***
PATALASTAS…
Boy: Tahimik ka na naman?
Girl: Ha?
Boy: Galit ka?
Girl: Hindi.
Boy: Hindi ka galit sa akin?
Girl: Hindi naman ako galit sa ‘yo.
Boy: May nagawa ba ako?
Girl: Wala.
Boy: Bakit hindi mo ako pinapansin?
Girl: Hindi naman kita kilala, noh!
***
Ang init ng panahon ngayon. Parang gusto ko ng I. Y.O.T.
Ikaw, gusto mo rin ba ng I.Y.O.T.?
Anong gusto mo?
I-ce cream
Y-elo
O-r
T-ubig
-----
-----
Ikaw ha iba nanaman ang iniisip mo! :)



Pinoy is that you! Bebot!

Allan Pineda or Apl.de.ap of Black Eyed Peas wrote Bebot, the video is world wide hit, it show many beautiful Filipina and the famous Jeepney of Pinoy.

Like Apl.de.up Pinoys are talented. Put a camcorder on a Pinoy they'll instantly have their own MTV. Just watch this guys put their version of BeBot!


Our Funny Video Of Bebot - Watch more amazing videos here

Q & A Contest (Tagalog Jokes)



Quiz bee contest inspires the youth to study aside from their text book. This shows encourage students and teachers to read more information from newspapers, magazines and now with the internet. The aid of computer have drastically help students to gain more information and data with out the hassle of sorting out topics from traditional researches.



With all this Q&A contest bring many audience, gag show was inspired to also do the same. A "Battle of the Brainless" portion was born.



Here are some from Pinoy Pride's "Yehey.com"



Q: Saan binaril si Dr Jose P. Rizal? Clue: "B" ang simula (Bagumbayan)
A: Sa back?
Q: O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta).
A: Sa likod?
Q: Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin ang kaniyang modern
name - "RP" (Rizal Park).
A: Sa rear part



***

Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo. Clue: Nagsisimula
sa letrang "B" (Beach).
A: Banyo.
Q: Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka.
A: Bubong.
Q: Hindi, pag nandoon ka na, marami kang makikita na mga babaeng nakabikini.
A: Ahhhh! Beerhouse!

***

Q: What is the National Bird of the Philippines? Clue: Its name starts with the letter "M"(Maya).
A: Manok!
Q: Hindi, brown ang kulay nito.
A: Piniritong manok?
Q: Hindi, nagtatapos sa letter "A"
A: Piniritong manoka?
Q: Hindi, mas maliit pa diyan.
A: Maggi chicken cube?!!

**

Q: What is the National Flower of the Philippines? Clue: It starts with the
letter "S" (Sampaguita).
A: Sunflower.
Q: Hindi, binibenta ito sa kalye.
A: Stork.
Q: Hindi, bulaklak sabi, eh.
A: Sitsarong bulaklak!
Q: Mali, Another clue, Tinutuhog ito!
A: Squid balls
Q: Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang "A".
A: Sitsarong bulaklak na may suka!
Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dagdagan ko pa: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa letrang "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
A: Si Sharon Cuneta!

***

Q: Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod? Clue: "L" ang simula ng pangalan niya (Lifeguard).
A: Lifebuoy.
Q: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito.
A: Safeguard.
Q: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito pag pinagsama mo ang dalawang sagot mo.
A: Safe boy.
Q: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
A: Si Mr. Clean.

***

Q: Sino ang kaunaunahang chess grandmaster of Asia? Clue: Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre).
A: Carole King.
Q: Hindi, mas mababa sa "King".
A: Al Quinn.
Q: Hindi, Filipino ang apelyido niya.
A: Armida Siguion-Reyna.
Q: Hindi pa rin. Mas mababa pa sa "Reyna".
A: Bishop Bacani.
Q: Mas mababa pa sa "Bishop".
A: Johnny Midnight (Knight).
Q: Mas mababa pa sa "Knight".
A: Jerry Pons (Pawns)?
Q: O ayan na ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang.
A: Sylvia la Torre

***

Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso bill? Clue: Ang initials niya ay "N.A." (Ninoy Aquino).
A: Nora Aunor.
Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay "Y".
A: Guy Aunor?
Q: Hindi, dati siyang naging Senador.
A: The former Senator Nora Aunor.
Q: Hindi, patay na siya!
A: Patay na si Nora Aunor?!!

***

Emcee : Ano ang national animal ng Pilipinas? It begins with the letter K.
(Kalabaw)
Brainless : Kuto!
MC : Mali! Sa lupa ito gumagalaw, hindi sa ulo.
BL : Kutong-lupa?

***

MC : Ano ang national animal ng Australia? It begins with the letter K.
(Kangaroo)
BL : Kalabaw!
MC : Mali! It ends with the letter O.
BL : Kabayo!
MC : Mali pa rin! Tumatalon-talon ito.
BL : Kuneho!
MC : Mali pa rin! It ends with double-O.
BL : KunehO-O?

***

MC : Ano ang national dress ng Pilipinas with the letters B and S? (Baro at
Saya)
BL : Blouse and skirt!

***

Q: Ano ang pambansang kasuotan ng mga kababaihan? B.S. ang initials
A: Bathing Suit?
Q: Hindi, tagalog ito.
A: Blusa at Sando?
Q: Mali. E, sa kalalakihan naman, ano ang tawag sa kasuotan. B rin ang simula.
A: Brief?
Q: Hindi, mas manipis pa ito...
A: Bikini brief?

***

MC : Sino ang national hero ng Pilipinas? The initials are JPR. (Dr. Jose P.
Rizal)
BL : Jeric P. Raval!
MC : Mali! He is a doctor.
BL : Dr. Jeric P. Raval?

***

MC : Sino ang tinaguriang concert queen ng Pilipinas with initials PF? (Pops Fernandez)
BL : Pernando Foe!
MC : Mali! Queen nga, e, di babae!
BL : Mrs. Pernando Foe --- si Susan Roces.

***

MC : Sino ang pumatay kay Magellan? Initials niya ay LL. (LapuLapu)
BL : Lito Lapid!
MC : Mali! Inuulit ang pangalan.
BL : Lito Lito!
MC : Mali pa rin! First name lang.
BL : LotLot!
MC : Hindi! Mas mahaba iyon.
BL : LotLot ... and Friends?

***

MC : Sino ang ating bayaning tinaguriang "Ang Dakilang Lumpo" with the
initials AM? (Apolinario Mabini)
BL : Si Alma Moreno!
MC : Mail! Lalaki iyon.
BL : Si Mr. Alma Moreno?
MC : Mali! Patay na iyon.
BL : Ha? Namatay na si Alma Moreno?

***

MC : Ano ang kaharap ng writer sa trabaho na nagsisimula sa letter M?
(Makinilya)
BL : Money!
MC : Hindi! Ginagamitan ito ng mga daliri.
BL : Manicure?
MC : Mali pa rin. Ito ay may ribbon.
BL : Manika!
MC : Mali na naman. Ito ay may maraming letters.
BL : Mailbox!
MC : Hindi. Ito ay may kulay.
BL : Mens!

***

MC : Ano ang tawag sa gamit na pang-hapagkainan na bilog at kadalasa'y gawa
sa ceramic o porcelain at nagsisimula
sa letter P? (Plato)
BL : Platito!
MC : Mali! Mas malaki ito kesa sa platito.
BL : Palanggana?
MC : Mali pa rin! Ginagamit ito sa pagkain.
BL : Pustiso!

***

MC : After one year, ipinagdiriwang ito tulad ng "Unang A "? (Anibersaryo)
BL : Away!
MC : Mali. Ito ay may kinalalaman sa inyong relasyon bilang mag-asawa.
BL : Annulment.
MC : Mali na naman. Ito ay patunay sa inyong matamis na pagsasama.
BL : Aneymoon!
MC : Mali uli. Sa 25 years, ang tawag ay silver. Sa 50 years, golden.
BL : Alahas!
MC : Hindi. Para dito, kadalasan may handaan.
BL : Apunan!

***

MC : For movie publicity, ito ay pagpupulong with reporters at may mga
letrang PC? (Press Conference)
BL : Philippine Constabulary!
MC : Mali. May pagkain dito.
BL : Ponge Cake!
MC : Hindi. May mga reporters nga na sumusulat para sa movie magazine.
BL : Pilipino Classics!
MC : Hindi. First word is Press.
BL : Pres Cory!

***

MC : Si Inday Badiday ay tinaguriang Reyna ng . It starts with the letter I. (Intrigue)
BL : I to I!
MC : Mali. Ito ay source ng mga away.
BL : Isnaban!
MC : Hindi. Ginagamit ito ng ibang mga artista at producers para kumita ang kanilang pelikula.
BL : Interview!
MC : Hindi! Ito ay nakakainis!
BL : Insekto!

***

Q: Anong pambansang damit sa lalaki?
Starts with the letter "B" (Barong) GO!
A: Bahag?
Q: Hindi, may malaki pa dito sa bahag
A: Baggie

***

Q: What is the national food of the Philippines? Starts with letter "L" (sagot=Lechon) GO!
A: Laing!
Q: Hindi! Baboy ang ginagamit sa pagluluto!
A: Ginisang baboy sa laing?!!

***

Q: Sino ang nanalo ng Miss Universe 1994 na ginanap sa Manila? Clue: Indian siya. GO!
A: Indiana Jones!
Q: Hindi! Ang initials ng name niya ay SS (Sushimita Sen)!
A: Stella Strada!
Q: Hindi, buhay pa siya.
A: Stella Suarez?!
Q: Hindi siya bold star!
A: Ah, Senator Shahani!

***

Q: Pag ikaw ay nalunod, ginagawa ito sa iyo. Clue: M---- to m---- resuscitation (Mouth to mouth resuscitation). GO!
A: Man to man resuscitation?
Q: Hindi, ang simula nito ay isang bahagi ng mukha, at ginagawa ito para ikaw ay makahinga.
A: Nose-to-nose resuscitation?
Q: Hindi, mas mababa pa sa nose.
A: Neck-to-neck resuscitation.
Q: Hindi pa rin. Basta nga, resuscitation ang ginagawa sa iyo at bibig ang ginagamit.
A: Graded oral resuscitation! (Graded oral recitation)

***

Q: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap (fill in the blank)
"kapag may aklat, ______". Clue, starts with the letter "S" (sikat) GO!
A: Sosyal! Kapag may aklat, Sosyal!
Q: Hinde, ang synonym nito ay hinahangaan ka ng mga tao o fans kagaya kay Nora Aunor
A: Superstar! Kapag may aklat, Superstar!
Q: Hinde, ang kaparehong kahulugan nito sa ingles ay famous.
A: Sip-sip! Kapag may aklat, Sip-sip!
Q: Hinde, ang kaparehong kahulugan rin nito sa ingles ay Sunrise.
A: Sunshine! Kapag may aklat, Sunshine!
Q: Hinde nga eh! other word ng Sunshine sa pilipino?
A: ST! Kapag may aklat, ST!

***

Q: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap (fill in the blank)
"You’re nothing but a second rate. Trying hard, copy ____". Clue, starts with the letter "C" (cat) GO!
A: Cuneta! "You’re nothing but a second rate, trying hard, copy Cuneta".
Q: Hinde, madalas ito ang dahilan sa ang mga bata ay nagkakasakit dahil sa kanyang mga balahibo.
A: Corikong! "You’re nothing but a second rate, trying hard, copy Corikong".
Q: Hinde sabi, Madalas ay pagala-gala sa mga kalye at sa kalsada.
A: Cop! "You’re nothing but a second rate, trying hard, copy Cop".
Q: Hinde, ito’y madalas hinahabol ng aso.
A: Cartero! "You’re nothing but a second rate, trying hard, copy Cartero".

***

H: Ano ang Pambansang isda ng Phils.?
(Note: correct answer is Bangus/Milkfish)
C: Pating?!
H: Mali! O eto ang clue: "Ito ay nagsisimula sa letrang "B".
C: Balyena!?
H: Mali na naman! Another clue, 100 times na mas maliit sa balyena.
C: Alam ko na!...BUTETE!!

***

H: Ano ang 2 + 2? (Note: correct answer is 4)
C: Tri ?!
H: Mali! O eto ang clue: "Taasan mo ng konti".
C: (in a higher tone) TRI?!!

***

H: Unang tanong, "What is the national tree of the Philippines? I'll give you a clue, it starts with letter "N"." ("Narra" is the answer)
C: "Niyog!"
H: "Another clue, mas matigas pa diyan!"
C: (In a strong-sounding voice) "NIYOG!!!"

Parental Wisdom - Filipino Style

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit Ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

(Read along.....for laughs only)

Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE:

"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga Leche kayo,kalilinis ko lang ng bahay."

***

Natuto ako ng RELIGION kay Itay:

"Kapag yang mantsa di natanggal sa uniform, magdasal ka na!"

***

Kay Inay ako natuto ng LOGIC:

"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

***

At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:

"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang Manonood ng sine."

***

Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:

"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

***

Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM:

"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

***

Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin Ng STAMINA:

"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

***

At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:

"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, Parang dinaanan ng bagyo!"

***

Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:

"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

***

Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION:

"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"

***

Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:

"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

***

Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig Sabihin ng ENVY:

"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo Nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

***

Si Itay naman ang nagturo sa akin ng

ANTICIPATION:

"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

***

At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig Sabihin ng RECEIVING:

"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

***

Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR:

"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, Wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

***

At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE:

"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

Tagalog jokes (collection 2)

Second collection of Filipino funny jokes for your laughing pleasures kabayan.


Ang I LOVE YOU!"

Mga salitang madaling bitawan pero mahirap panindigan. Masarap paniwalaan pero mahirap asahan.

Higit sa lahat… nagdadala ng sobrang kaligayahan, lalo na kung sex ang dahilan!

***

Mahirap kumatok sa pusong nasugatan na…

Minsan, katok ka nang katok pero nakasara pa rin… hanggang sa napagod ka na.

Ang hindi mo alam… ang kinakatok mo… may kasamang iba sa kuwarto!

***

What’s good about being single?

You can always flirt with anyone. You can go anywhere without someone talking behind your back.

You can do whatever you want.

And what’s best about being single?

Wala kang biyenang matapobre!

***

I was planning to kill the cutest person on earth, then I realized…

Suicide ‘yun, di ba?

***

Mahirap magsabi ng, "Sorry." Mahirap magsabi ng, "Mahal kita."

Mahirap magsabi ng, "Kailangan kita."

Pero pinakamahirap talagang sabihin ‘yung, "Nakapagpapabagabag ang tulay ng Malakabakab!"

Subukan mo.

***

Minsan, akala mo yata, hindi kita naaalala. Minsan, akala mo yata, hindi kita nami-miss.

Minsan, akala mo yata, binalewala kita. Pero akala mo lang ‘yun!

Ikaw pa?!

:::::

Sino ka nga ulit?!

***

Paano mo sasabihin sa isang girl na maitim ang kili-kili niya without being offensive?

Ganito…

"Miss, hulaan ko kung ano ang deodorant mo… Kiwi?"

***

Marvin: Pare, nasusuka ako. Kaya lang, hindi ako masuka.

Joshue: Madali lang ‘yun, pare. Sundutin mo ang tonsil mo.

Marvin: (sinundot ang tonsil) Hindi pa rin, pare, eh…

Joshue: Subukan mong sundutin ang puwet mo.

Marvin: (sinundot ang puwet) Ayaw pa rin!

Joshue: Ngayon, saka mo isundot uli sa bibig mo…

***

Love is not finding someone to go to bed with, but finding someone you want to wake up in the morning… naked…

So, parang ganu’n din, di ba?

***

10 PAINFUL THINGS:

Bringing back the feeling you’ve learned to forget

Reminiscing the good times

Trying to hide what you really feel

Loving someone who loves another

Having a commitment with someone that you know wouldn’t last

Shielding your heart

Loving somebody

Loving a person too much

Right love at the wrong time

Taking risk to fall in love again

Bihis na bihis ka na, tapos, hindi ka pala kasama?!

***

Ang puso ko, parang apartment. Marami nang tumira, pero umaalis din pag nagsawa na.

Ngayong dumating ka, itatanong ko lang sana… "Dito ka ba titira? O overnight ka rin tulad ng iba?"

***

If your world is spinning ROUND & ROUND, and your heart is beating FAST… do you think you’re in love?

:::::

Huwag kang mag-ilusyon.

HIGH BLOOD ka!

***

Have you seen a person with a killer smile, innocent eyes, sweet face, irresistible body and devastating sex appeal?

Sa Tagalog:

"Nakita mo na ba ako?!"

***

Justin: Pare, nakita ko, kasama ng best friend ko ‘yung girlfriend ko. Holding hands pa nu’ng pumasok sa sinehan!

Dario: Sinundan mo ba?

Justin: Hindi na. Napanood ko na ‘yung panonoorin nila, eh!

***

Minamalat na naman ang puso ko… dahil parating isinisigaw ang pangalan mo!

***

Kapag may problema ka, lapitan mo ako.

Hindi kita iiwan.
Yayakapin kita nang mahigpit at ibubulong ko sa ‘yo, "Andito lang ako… Isinasabit ko ang lubid na gagamitin mo. Wait lang!
Huwag kang excited."

***

Sa buhay ng isang relasyon, maraming pagsubok ang daraanan.

Pwedeng masira ang samahan sa walang kadahilanan, pero ang masakit, ‘yung nangakong walang iwanan…

Pero sa romansa, wala namang itatagal!

***

What’s the difference between a high school girl and a college girl?

High school girl: "Shit, meron ako!"

College girl: "Yes! Meron na ‘ko! Kinabahan ako ru’n, ah?!"

***

Nagkita kami ng angel mo. Kinumusta kita.

Sabi niya, swerte niya sa ‘yo. Bukod sa mabait ka raw, sweet at cute pa!

Smile lang ako… dahil umaga pa lang… lasing na ang angel mo!

***

If you ears itch, someone is thinking of you. If you eyes itch, someone wants to see you.

If your lips itch, it means someone likes to kiss you. If your body itches… dapat, maligo ka na!

***

Tanong ng tuta sa nanay niyang aso, "Nanay, sino po ba ang tatay ko?"

Sagot ng nanay na aso, "Ewan ko, anak. Hindi ko nakilala… Nakatalikod kasi ano nu’n, eh."

***

Girl: Hayop ka! Matapos mong ipasubo at ipa-blow sa akin… ipuputok mo pa sa mukha ko?!

Boy: Hindi ko na mapigilan, eh!

Girl: Hmph… bumili ka nga uli ng plastic balloon!

***

Uri ng kulangot sa ilong…

HARD TO GET: ang hirap kunin; nagdudugo na ang ilong mo, ayaw pa

EASY TO GET: isang sundot lang, kuha na

CAN’T BE REACHED: sobrang layo, hindi talaga maabot ng cotton buds

HIDE & SEEK: kuha na eh tatakas pa, ayaw makisama

KULANG SA PANSIN: padungaw-dungaw, gusto pang ma-discover ng iba

PA-PAMPAM: singa ka nang singa, akala mo’y nasa loob, nasa mukha mo na pala

***

SALAWIKAIN 2007:

Kapag maiksi ang kumot, sa baby ipagamit.

Papunta ka pa lang… Sige, ingat!

Ang taong naglalakad nang mabilis, tumatakas.

Laging nasa huli ang pinakamatangkad.

Kapag may usok, kawawa ang may hika.

Kapag may usok, mas maganda ang show dahil may special effects.

When the cat is away, sabihin mo lang ‘wiss wiss wiss’ para lumapit.

***

"Huwag mo akong sisihin kung cold man ako dahil hindi naman ako magmamatigas kung binigyan mo lang sana ako ng konting importansya!" – KANING LAMIG

***

"Hindi kita pinabayaan. Sinamahan kita kahit sa panaginip. Ngayong nagising ka na sa katotohanan, bigla mo na lang ba akong aalisin sa buhay mo?!" – MUTA

***

"Bigyan mo naman ako ng kahit katiting na importansya. Ang lagay eh kung kalian mo lang ma-trip-an, saka mo lang ako papansinin? Hindi mo alam ang paghihirap na dinaranas ko sa ‘yo!" – INIDORO

***

Mister: Hon, bakit ka umiiyak?

Misis: Kasi, simula nang magka-cellphone ka, napabayaan mo na ako. Hu! Hu! Hu!

Mister: Pambihira ka! Pati cellphone, pinagseselosan mo?!

Mister: Eh kasi, may iba nang libangan ang daliri mo! Hu! Hu! Hu! Hu! Hu!

***

Alarm clock ka ba?

:::::

Kasi, ginigising mo ang natutulog kong puso.

***

May kilala ka bang gumagawa ng relo?

:::::

Kasi, kapag kausap kita… humihinto ang oras, eh.

***

May mga pagkakataon na kailangan mong iwan ang mahal mo, pero hindi ito nangangahulugan na iiwan mo siya dahil hindi mo na MAHAL… kundi bawal lang ang girls sa CR ng boys.

***

Darating ang panahon, mamamatay tayong lahat. Pupunta tayo sa langit, di ba?

Sino ang unang papasukin?

Ikaw? Ako? Sila?

Syempre… sila!

Kasi, mag-iinuman pa tayo. Despedida muna!

***

Claudia: Balita ko, may bago kang manliligaw.

Anita: Meron nga.

Claudia: At sabi mo pa raw eh Fil-Am ‘yun. Swerte mo!

Anita: Anong ikinaswerte ko?

Claudia: Fil-Am siya, eh!

Anita: Filipinong may Amoy ‘yun, ‘no?!

***

Myrna: Ano ba ‘yung BILINGUAL?

Loida: ‘Yun ‘yung may alam na dalawang language. Halimbawa, marunong nang mag-Tagalog, marunong pang mang-English.

Myrna: Akala ko eh dalawa ng dila.

Loida: Ang sarap sanang magpadila sa ganu’n.

***

"When you want to make a difference… subtract."

In a normal person, the heart beats 70 times a minute, 100,800 times a day, 40 million times a year! During a single day, a ventricle pumps about 11,000 quarts or 265 million quarts a lifetime.

RELEVANCE? Ang SIPAG ng heart!

Pero… shit! Tanga naman…

***

"Hindi ako DINOSAUR! Hindi! Hindi! Hindi!" – THESAURUS

***

"Hindi lahat ng almusal ay nakabubusog." – SERMON

***

Ang buhay ko ay parang seesaw… I’m down kapag wala ka.

***

Adora: Mare, kumusta ang sexlife ninyo ni pare?

Lourdes: Parang suweldo sa opisina, tuwing kinsenas at katapusan lang. Kaya madalas na bumabale ako sa mga kaibigan niya!

***

HONEYMOON…

Groom: Hon, ok lang bang pasukin ko ang hindi pa napapasok ng iba?

Bride: Ha? Hindi kaya mabingi ako?

***

Ella: Bakit ganito ang ibinigay mong Valentine card? Bilog ang disenyo sa halip na puso… Parang BUTAS ito, ah?

Mael: Butas nga ‘yan, love! Dahil ang Valentine’s Day ay Araw ng Butasan!

Ella: Sana, araw-araw eh Valentine’s Day!

***

VINE TEA

:::::

Want to know about VINE TEA?

What is VINE TEA?

Vine Tea is actually… the sukli when you have P50 to load P30.

***

Natatandaan mo pa ba ‘yung ad ng Tanduay? "NAKATIKIM KA NA BA NG KINSE AÑOS?"

Mahalay ang dating, ‘di ba?

Paano kung gumawa rin ang Gran Matador Brandy? "NAKATIKIM KA NA BA NG GRANMA?"

Mas mahalay, ‘di ba?

***

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin? Kailangan mo lang ako kapag nag-iinit ang katawan mo?!" – THERMOMETER

***

Umorder si Pacquiao sa Starbucks…

Pacquiao: Coffee, please!

Barista: Would you like your coffee black?

Pacquiao: (nag-isip) Hmmnn… what other colors do you have pa ba?

***

Humahangos si Boy Onse, "Inay, may trabaho na ako!"

"Talaga? Saan?" usisa ng hindi makapaniwalang ina.

"Sa office of the mayor!" tugon ng anak. "Tagasigaw ng MABUHAY sa kampanya."

***

Masarap tumawa kahit naiiyak ka na…

Masarap mag-joke kahit nahihirapan ka…

Masarap magsaya kahit hindi mo na kaya…

Ganyan pag problemado… di ba?

Pati sarili mo, pinaplastik mo na…

***

Pacquioa interview about politics.

Reporter: What do you think about the peace and order?

Manny: (Nag-isip ng mabuti) Ahhhh….! Madaming PESH ang nahuhuli sa dagat! Pero ngayon eh matumal ang ORDER.

***

Roda: Mare, kailangan na yatang bumili ako ng panibagong pills. Kasi, baka mabuntis ako.

Josephine: Di ba, nagpatali na ang mister mo?

Roda: Oo, mare, kaya hindi ako dapat mabuntis.

***

Tinanong ng binatang palaka ang psychic na palaka kung ano ang mangyayari sa kanya sa hinaharap.

"You will meet a beautiful girl who will hold you so tight and will want to know everything about you!" sabi ng psychic na palaka.

Na-excite ang binatang palaka at nagtanong muli, "Sa party ko ba siya makikilala?"

Sagot ng psychic na palaka, "Hindi! Magkikita kayo sa Biology class niya!"

***

Junior: Nag-lesson po kami tungkol sa mga manok?

Tatay: Madali ba?

Junior: Chicken na chicken po. Sisiw pa nga, eh!

Tatay: Anong score mo?

Junior: Itlog po.

***

Tomas: Totoo bang may side effect ang Viagra?

Diego: Tanga! Walang epekto ‘yun sa side… sa harap lang!

***

Misis: Bakit gabi ka na?

Mister: Pasensya na. Nagyaya ang officemates ko. Nagkainuman lang.

Misis: Lasing ka, ‘no?!

Mister: Hindi!

Misis: Anong hindi?! Wala ka namang trabaho, paano ka nagkaroon ng officemates?

***

My nights are becoming sleepless. My days are becoming restless.

So I asked my angel, "Is this love?"

And my angel said, "Love? Haller?! Naka-drugs ka kaya?!"

***

I believe in signs, serendipity, destiny, love at first sight, soulmates, eternal love et cetera…

Kaya eto… hangang ngayon Single pa!

***

Masarap ang pakiramdam kapag may ka-"I love you" ka… kikiligin… sabay sabi ng, "Ingat!"

Pero kung wala… Ano ngayon?!

Pwede namang… "I LOVE ME! INGAT AKO!"

***

I hate you! Don’t ask me why and say sorry! Kalimutan mo na lang na nagkakilala tayo. Don’t text back! You got it?

:::::

Praktis lang…

Miss lang kita kaya nag-e-emote ako!

***

Hindi masusukat ang pagmamahal ng tao sa mga mamahaling regalo at engrandeng dates.

Mahal ka ng tao kapag bagong gising ka at parang pang-Afro ang buhok mo, tapos, namuo pa ang tulo ng laway sa pisngi mo at puno ng muta ang mata mo, at nang makita ka niya ay eto ang sasabihin niya sa ‘yo…

"Ang pangit mo talaga… pero ‘yang itsura na ‘yan ang gusto kong makita tuwing umaga!" Tapos KISS sabay HUG

***

Mahirap magmahal nang patago. Kasi, baka mahalin ka rin niya nang patago.

Kung ganu’n din lang, huwag na kayong magmahalan.

Magtaguan na lang kayo!

***

Minsan, gusto ko nang sumuko dahil sa mga problema. Minsan, gusto ko nang matulog nang walang gisingan.

Pero na-realize ko na dapat lumaban… dahil sayang…

"Ang cute ko pa naman!"

***

FAMOUS LINES

"Biktima rin kami ng abortion." –BALUT

"Hindi lahat ng maasim, may Vitamin C." – KILI-KILI

"Huwag mo akong bilugin!" – KULANGOT

"Paano tayo makabubuo kung hindi ako papatong sa ‘yo?" – LEGO

"Hindi lahat ng klase ng dugo, pwedeng i-donate." – REGLA

"Bakit mo ako binibitin kung kailan kainitan at basambasa ako?" – SINAMPAY

***

Ang puso ko, parang apartment. Marami nang tumira, pero umaalis din pag nagsawa na.

Ngayong dumating ka, itatanong ko lang sana… "Dito ka ba titira? O overnight ka rin tulad ng iba?"

***

Kapag hindi mo na kayang nakikita siyang may iba na… praktikal lang na magbago, umiwas, lumayo.

Kaya kung tatanungin ka niya, "Bakit ka ganyan, inano ba kita?" — sagutin mo, "Wow! Nasasaktan ako! Bulag ka ba?!"

***

If ever you have any problem, come to me. I’ll help you.

If you don’t have any problem, come to me anyway.

Gagawa tayo ng problema. After all… what are friends for?

***

Honeymoon…

Groom: Hon, bakit malungkot ka? Hindi ka ba masaya na pinakasalan kita maski dati kang GRO?

Bride: Iniisip ko lang, hon… tuwing magtatalik tayo, hindi mo na ako babayaran. Sayang din kasi…

***

Isinugod sa ospital ang isang lalaki na nasunog ang dalawang hita…

Dok: Nars, i-dextrose mo. Tapos, antibiotic, burn cream at Viagra every 8 hours.

Nars: Viagra, dok?

Dok: Para hindi sumayad ‘yung kumot sa sugat.

***

Nag-away ang Puso at Utak…

Puso: Delete mo na siya! Stupid!

Utak: Nagmamarunong ka pa riyan! How would I discard that person if I see you bleed everytime I try?

***

T: Bakit ang utak ay nasa ulo at ang puso ay nasa dibdib?

S: Pangit kasing tingnan kapag in-love ka eh tumitibok ang noo mo… at ang laswa naman kapag nag-iisip ka eh hinihimas mo ang dede mo!

***

After season 2 of Big Brother! Nag-brain storming ang writer ng show.

Next season abangan! New reality show na gawang Pinoy!

24 house mates sa loob ng 1 bahay, 200 days!

12 Team Unity senators, vs 12 Genuine Opposition senators, sa Bahay ni Kuya.

Ang titulo:

PINOY BIG PROBLEM!

***

Titser: Class, draw a fish!

Class: Yes, ma’am!

Titser: Juan, why is your drawing very dirty and full of erasures?

Juan: Inihaw na tamban ‘yan, ma’am! Nasunog!

***

Filipino class…

Titser: Pedro, magbigay ka ng pangungusap na may tayutay…

Pedro: Ahem! ‘Ang tatay ay nadapa… TAYU, ‘TAY!

***

Ang saging, kapag berde, hilaw ‘yan. Kapag itim, sira ‘yan. Kapag basa sa loob, bulok ‘yan.

Pero kapag basa sa dulo… ay, sus! Friend, maniwala ka… di saging ‘yan!

***

Kapag maraming nang-aaway sa ‘yo, tawagin mo lang ako at sabay nating sabihin…

"Kapangyarihan ng taba, taglay ay mantika! Kambal na biik, kami ang… SUPER PIGS!"

***

In a normal person, the heart beats 70 times a minute, 100,800 times a day, 40 million times a year!

During a single day, a ventricle pumps about 11,000 quarts or 265 million quarts a lifetime.

Relevance?

Ang sipag ng heart!

Pero tanga naman!

***

Mahirap kang iwan. Mahirap kang saktan. Mahirap kang pabayaan. Mahirap kang paiyakin.

Mahirap ka ring patahanin.

Alam mo, isa lang naman ang madali sa ‘yo, eh. Madali kang malibugan.

***

Ang mag-asawa kelangan naghihiwalay para makapag-move on… dahil di madali makalimot… or ag-pretent…

Mahirap talaga, lalo na kung ang taong gusto mong kalimutan ay ‘yung taong laging hubo’t hubad sa ‘yong harapan!

***

Lito: Bakit sa Muntinlupa dinadala ang mga convict?

Ambo: Dahil lumiit ang lupa na kanilang ginagalawan.

***

I’ll wrap my arms around you and squeeze you tight till your eyes pop out and your bones break and your face turn blue…

That’s my morning hug… not sweet, but definitely breath-taking!

Mamatay ka sa sarap!

***

Tessie: Ang asawa ko ang da best! Hindi naninigarilyo! Hindi umiinom! Nasa bahay lang lagi!

Elvira: Parang santo pala siya?!

Tessie: Hindi! Paralisado ang gago!

***

Fr. Damaso: Ang mga bakla’y walang lugar sa kaharian ng langit!

Mga bading: Carry lang, Father! Doon na lang kami sa rainbow… mag-i-slide-slide ever!

***

Kung ni-reject ka ng taong mahal mo, huwag kang umiyak. Lumaban ka!

Isama mo ako at sabay nating sabihin, "Kapagyarihan ng araw, taglay ay liwanag, kambal na lakas, kami ang Super Twins!"

***

Maputi ang mag-asawang sina Tisoy at Tisay. Nang magsilang si Tisay ng kanilang panganay, ang sanggol ay maitim.

Nagduda si Tisoy. Pakiwari niya, nasilisihan siya.

"Bakit maitim ang sanggol?" usisa ni Tisoy kay Tisay.

Sagot ni Tisay, "Masyado kang mainit! Ako rin, mainit! Kaya si baby, nasunog!"

***

Marvin: Alam n’yo, pare, ang dali kong labasan! Biruin n’yo, foreplay pa lang, nilalabasan na ako!

Francis: Matagal pa ‘yan, pare! Ako, naghuhubad pa lang ang syota ko, nilalabasan na ako!

Joshue: Maghuhugas lang ako…

Marvin & Francis: Bakit?

Joshue: Makarinig lang kasi ako ng usapan sa sex, nilalabasan na ako!

***

Marlon: Mga ‘tol! Alam n’yo ba, sa 20 na naging syota ko, 18 ang nagalaw ko!

Arnel: Wala ‘yan! Sa 30 na naging syota ko, 27 ang nagalaw ko… puro virgin pa!

Obet: Panis ‘yan sa akin! More than 100 sa akin…

Arnel: Akala ko ba, sa bundok ka lumaki at puro hayop ang kasalamuha mo roon?

Obet: Bakit, sinabi ko bang tao sila?

***

Kapag mahal mo ang isang tao, lahat ay gagawin mo. Lahat ay tatanggapin mo.

Pero maitanong ko lang… Bakit kapag ang laway ng iba, tumalsik sa ‘yo, nandidiri ka? Pero kapag laway ng mahal mo, nilulunok mo pa?!

***

Nakita ng anak na habang nagsusuklay ang nanay niya ay may nahulog na puting buhok.

Anak: Inay, meron na pala kayong puting buhok?

Inay: Oo, anak. At ito’y kagagawan mo! Sa bawa’t kalokohan na ginagawa mo ay nagkakaroon ako ng puting buhok!

Anak: Ahh… kaya pala puti na lahat ang buhok ni lola!

***

Distance is never a reason to forget someone.

You know why?

Kasi, DISTANCE is always equal to VELOCITY x TIME. Wala namang ‘forgotten’ sa equation, di ba?

NAKS! Physics!

***

Sa loob ng police station…

Nene: Sir, hinoldap po kami at ni-rape ang lola ko…

Pulis: Lola, ano po ang masasabi ninyo?

Lola: Hindi na ako nahihirapang umihi ngayon…

***

Girlfriend: Honey, sa tingin mo ba, pangit ako?

Boyfriend: Of course not! Sa tingin ko, you have the face of a saint…

Girlfriend: (natuwa) Talaga? Sinong saint?

Boyfriend: St. Bernard!

***

Betty: Ayos po ‘yung education trip namin, Nanay! Nanood po kami ng ‘Peter Pan’ sa CCP.

Nanay: Talaga?

Betty: Enjoy na enjoy nga po si Tatay, eh!

Nanay: Aba, himala! Nag-enjoy ang tatay mo sa ballet?!

Betty: Sexy po kasi ‘yung gumanap na Tinkerbell. Panay nga po ang sipol ni Tatay, eh! Sanay na sanay sa beerhouse!

***

Corina: Ang sipag talagang manligaw ni Bobby sa ‘yo, ‘no?

Estela: Oo. Du’n lang siya masipag. Kuntik ko nang sagutin ‘yan nu’ng Pebrero. Blinakmeyl kasi ako. Sabi niya, kapag hindi ko raw siya sinagot, di raw niya iboboto si Chiz Escodero. Muntik na akong magpakamartir para sa bansa, mare!

***

Kandidato: Nagkawang-gawa na ako… nagpakumbaba, nanikluhod sa mga botante. Ano pang naiiba ang magagawa ko?

Supporters: Subukan ninyong magpapako sa krus!

***

Minsan, gusto ko nang bumitaw! Pero alam kong hindi tama ‘yun…

Alam kong masasaktan lang ako…

Kasi… nakasabit lang ako sa jeep.

***

Maligaya ang isang lalake kapag nakita niya ang kanyang anak na lalaki sa pabalat ng SPORTS magazine, ang kanyang anak na babae sa pabalat ng BUSINESS magazine, ang kanyang kulasisi sa pabalat ng GLAMOUR magazine… at ang kanyang misis sa MISSING section!

***

Hindi kita masisisi kung nakalimutan mo na ako. Kasi, alam ko, hindi na ako mahalaga sa ‘yo…

Nakatatawa, ‘no? Hanggang ngayon, eto ako, umaasa na sana, mabawi kita riyan sa zoo…

Ikaw kasi, eh! Nanga-ngagat ka… huwag ganu’n!

***

Ifugao: Mag-a-apply po akong sundalo, sir…

Officer: Hindi ka pwede! Ang dami mong sirang ngipin! Bungi ka pa!

Ifugao: Bakit, sir? Ang giyera ba ngayon, kagatan na?

***

I wrote your name in the sky… but the wind blew it away.

I wrote it in the sand… but the water washed it away.

So I wrote your name everywhere…

AYUN NA… akala nila, kandidato ka!

***

Anong kuwenta ng puso kung walang pagmamahal at nagmamahal?

Anong kuwenta ng buhay kung walang kasamang gumagabay?

Anong kuwento ng unlimited kung walang katext?

ASAR, di ba?!

***

Kung ang taong gusto mo ay mayroon nang iba, tandaan lang ang CONTINENTAL DRIFT THEORY:

"Kung ang pulo nga, naghihiwalay… sila pa kaya?!"

***

A CUTE THOUGHT:

"Kapag nahuli kang nakatingin sa kanya… lagi mong tandaan, hindi ka niya mahuhuli kung hindi ka rin niya tinitingnan!"

NAKS!

***

Sa likod ng mga ngiti, may mga luha.

Sa likod ng mga biro, nagtatago ang problema.

Hindi ka man laging tunay na masaya, lagi mong tatandaan… sa likod ng bawa’t tao, may puwet.

***

Lahat ng problema, may solusyon.

Kapag walang solusyon, huwag mo nang problemahin.

***

Sabi nila, mali ang magmahal nang sobra... ibigay ang lahat at hindi magtira, iparamdam nang buo at labis.

Siguro nga, lagi na lang akong mali… dahil kahit kailan, ayokong magmahal nang kulang.

***

Sawa ka na ba sa kasasabi sa mahal mo na, "Ako lang, please?"

Ngayon, ito naman ang sabihin mo:

"Ipinanganak akong walang kakambal… kaya mahalin mo ako nang walang karibal!"

***

Ang puso, napapagod din…

Napapagod maghintay, napapagod magtiis, napapagod magmahal, at napapagod ding masaktan.

Pagod ka na ba? Pahinga ka muna…

Hindi naman kailangan na laging may minamahal, ‘di ba?

***

I can be your…

AMPHETAMINE: to tell you, ‘wag kang susuko.

BENZODIAZEPINE: to tell you, ‘wag kang mag-alala.

ANTIPSYCHOTIC: to tell you, ‘wag kang sira.

ICA/MAOI/SSRI: to tell you, ‘wag ka nang malungkot.

LITHIUM CARBONATE: to tell you, hinay-hinay lang.

ANTICONVULSANT: to tell you, relax ka lang.

ANTIBIOTIC: to tell you, ipaglalaban kita.

ANALGESIC: to tell you, okey lang ‘yan, I’m here to relieve the pain.

MULTIVITAMINS: to tell you, ingat ka palagi.

But don’t worry… wala akong side effect!

***

Hindi ko masabing hindi ko kayang mabuhay nang wala ka. Kasi, nabuhay na ako bago pa kita nakilala.

Siguro, mas magandang sabihing…

"Ayokong mawala ka. Kasi, mas masarap mabuhay kasama ka."

***

Kung may mga oras na nalulungkot ka… mga oras na nalilito ka… mga oras na natatakot ka… mga oras na naiiyak ka… mga oras na natatawa ka…

PADOKTOR ka na! Delikado na ‘yan!

***

Nag-aaral sa isang American school ang anak ni Osama bin Laden.

Tinanong siya ng titser, "Paano mo hahatiin ang apat na mansanas sa limang bata?"

Sagot ng anak ni Bin Laden, "Patayin ang isang bata."

***

Radio host: Ilang taon na kayo, lolo? Mananawagan ba kayo?

Lolo: Opo. 98 na po ako.

Radio host: Wow! Ang tanda n’yo na pala! Sige po, manawagan na kayo!

Lolo: Kuya, umuwi ka na… hindi na galit si daddy sa ‘yo!

***

T: Bakit ang buhok sa ulo ay namumuti at ang sa ibaba ay hindi naman pumuputi?

S: Dahil ang buhok sa ulo ay puro problema, at ang buhok naman sa ibaba ay puro ligaya.

***

Na-feel mo na ba ‘yung akala mo, WALA LANG…

Friends lang kayo… tropa lang…

Tapos, isang araw, kausap mo siya at habang nakatitig ka… naisip mo na lang…

:::::

"Lagot! Memory gap! Sino ‘to?"

***

Pagdating sa LOVE, dapat patas ang laban.

Kapag inano ka, anuhin mo rin.

Kapag ayaw magpaano, huwag ka ring papaano.

Pero syempre, pagdating sa anuhan, pagbigyan mo na. Lalo na kung minsan lang.

Kesa naman iba pa ang anuhin niya.

Ikaw rin…

Baka isang araw, gustung-gusto mong magpaano… pero wala nang aano sa ‘yo.

Ang linaw, ano?!

***

I’ll be a friend who will always be at your side, but…

If one day, you haven’t found me… trust me, babalikan kita.

May cute lang akong nakita… susundan ko muna!

***

Sa isang liblib na baryo…

Anak: Itay, totoo po bang may multo?

Itay: Anak, kanino mo naman nalaman ‘yan?

Anak: Sa kapitbahay po natin…

Itay: Anak… wala tayong kapitbahay.

***

Alam mo ba ang tunay na halaga ng buhay?

:::::

Kasi… ako… hindi, eh.

***

T: Sino ang PINAKATANGANG BABAE na nabuhay sa sanlibutan?

S: Si Eba. Nakita na niyang hubo’t hubad si Adan, ‘yung mansanas pa ang isinubo! Di ba, tanga?!

***

E2 “May pitong baboy sa isang kahon.

Sa kahon, may 23 pares ng pato at isang pusa.

Ang isang pato ay kakain ng 56 na uod.

Pagkatapos, may 5 langgam…

Oh Relax! Don’t worry! Walang tanong!”

Hi lang!

***
Dating Doon Kontra-kontra:

Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.

MAGSAPATOS KA KASI!

Kapag may isinuksok, may madudukot.

SOBRA KA NA! NAKASUKSOK KA NA NGA, NANDUDUKOT KA PA?!

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?

IBIGAY MO SA PULIS.

Kapag may tiyaga, may nilaga?

PAANO NAMAN ANG KANIN?

Ang pag-aasawa’y hindi tulad ng kaning isinubo, nailuluwa kapag napaso.

NAMNAMIN MO KAHIT MAINIT; LALAMIG DIN ‘YAN. AT PAGLAMIG, HAHANAP KA PA NG MAS MAINIT.

***

Love? Parang COMPUTER GAME.

START sa simula. LOSE kapag nasaktan ka na. CONTINUE kapag may second chance. PAUSE kapag pagod na.

Pero ang pinakamasakit, GAME OVER kahit bitin!

***

Ang pagmamahal ay dumarating nang hindi inaasahan… Kung kailan at saan.

Pero minsan, kapag bumili ka sa tindahan, doon mo matatagpuan ang lalaking iyong matitipuhan… lalaking nakalalaglag ng panty sa kagwapuhan!

***

Isang gabi, naglalakad si Mark sa Balete Drive.

May narinig siya, "MARK! MARK!"

Lumingon siya. Walang tao.

"MARK! MARK!"

Tumakbo siya.

Pagdating sa kanto, nakita ni Mark ang isang babala, "BEWARE: NGONGONG ASO!"

***

Kapag K ka nang K, lalaki ang T mo, hindi kakasya sa P, kaya mag-J ka na lang!

Gets mo?

UULITIN KO!

Kapag kain ka nang kain, lalaki ang tiyan mo, hindi kakasya sa pants, kaya mag-jogging ka na lang!

***

Pinoy Talasalitaan

KALMOT: haplos ng nasasarapan

DAKMA: hawak ng sobra sa pagnanasa

DAHAS: pwersang pakiusap sa maarteng kausap

GAHASA: romansang walang ligawan

BATI: pagroromansa sa sarili sa pamamagitan ng kamay

MAHAL: damdaming nakabubuntis

O: sarap na pinipigil-pigil

OOH: sarap na hindi mapigil-pigil

OOOOHHH: sarap na sarap na hindi papipigil

HA HA HA HA: tawa ng manyakis na nagbabasa

***

Saan ba matatapos ang pagkakaibigan? Kapag iniwan ka na?

Kapag nawala na ang tiwala mo sa kanya, o kapag pinagnasaan mo na siya?

Sa init ba ng katawan, uso pa ang kai-kaibigan?

***

"Walang malayong kulangot sa mahabang kuko."

Napakagandang quote.

It signifies determination, creativity and hope.

Sana, na-inspire kayo…

Keep coming back KABAYAN!