Q & A Contest (Tagalog Jokes)



Quiz bee contest inspires the youth to study aside from their text book. This shows encourage students and teachers to read more information from newspapers, magazines and now with the internet. The aid of computer have drastically help students to gain more information and data with out the hassle of sorting out topics from traditional researches.



With all this Q&A contest bring many audience, gag show was inspired to also do the same. A "Battle of the Brainless" portion was born.



Here are some from Pinoy Pride's "Yehey.com"



Q: Saan binaril si Dr Jose P. Rizal? Clue: "B" ang simula (Bagumbayan)
A: Sa back?
Q: O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta).
A: Sa likod?
Q: Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin ang kaniyang modern
name - "RP" (Rizal Park).
A: Sa rear part



***

Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo. Clue: Nagsisimula
sa letrang "B" (Beach).
A: Banyo.
Q: Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka.
A: Bubong.
Q: Hindi, pag nandoon ka na, marami kang makikita na mga babaeng nakabikini.
A: Ahhhh! Beerhouse!

***

Q: What is the National Bird of the Philippines? Clue: Its name starts with the letter "M"(Maya).
A: Manok!
Q: Hindi, brown ang kulay nito.
A: Piniritong manok?
Q: Hindi, nagtatapos sa letter "A"
A: Piniritong manoka?
Q: Hindi, mas maliit pa diyan.
A: Maggi chicken cube?!!

**

Q: What is the National Flower of the Philippines? Clue: It starts with the
letter "S" (Sampaguita).
A: Sunflower.
Q: Hindi, binibenta ito sa kalye.
A: Stork.
Q: Hindi, bulaklak sabi, eh.
A: Sitsarong bulaklak!
Q: Mali, Another clue, Tinutuhog ito!
A: Squid balls
Q: Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang "A".
A: Sitsarong bulaklak na may suka!
Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dagdagan ko pa: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa letrang "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
A: Si Sharon Cuneta!

***

Q: Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod? Clue: "L" ang simula ng pangalan niya (Lifeguard).
A: Lifebuoy.
Q: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito.
A: Safeguard.
Q: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito pag pinagsama mo ang dalawang sagot mo.
A: Safe boy.
Q: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
A: Si Mr. Clean.

***

Q: Sino ang kaunaunahang chess grandmaster of Asia? Clue: Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre).
A: Carole King.
Q: Hindi, mas mababa sa "King".
A: Al Quinn.
Q: Hindi, Filipino ang apelyido niya.
A: Armida Siguion-Reyna.
Q: Hindi pa rin. Mas mababa pa sa "Reyna".
A: Bishop Bacani.
Q: Mas mababa pa sa "Bishop".
A: Johnny Midnight (Knight).
Q: Mas mababa pa sa "Knight".
A: Jerry Pons (Pawns)?
Q: O ayan na ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang.
A: Sylvia la Torre

***

Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso bill? Clue: Ang initials niya ay "N.A." (Ninoy Aquino).
A: Nora Aunor.
Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay "Y".
A: Guy Aunor?
Q: Hindi, dati siyang naging Senador.
A: The former Senator Nora Aunor.
Q: Hindi, patay na siya!
A: Patay na si Nora Aunor?!!

***

Emcee : Ano ang national animal ng Pilipinas? It begins with the letter K.
(Kalabaw)
Brainless : Kuto!
MC : Mali! Sa lupa ito gumagalaw, hindi sa ulo.
BL : Kutong-lupa?

***

MC : Ano ang national animal ng Australia? It begins with the letter K.
(Kangaroo)
BL : Kalabaw!
MC : Mali! It ends with the letter O.
BL : Kabayo!
MC : Mali pa rin! Tumatalon-talon ito.
BL : Kuneho!
MC : Mali pa rin! It ends with double-O.
BL : KunehO-O?

***

MC : Ano ang national dress ng Pilipinas with the letters B and S? (Baro at
Saya)
BL : Blouse and skirt!

***

Q: Ano ang pambansang kasuotan ng mga kababaihan? B.S. ang initials
A: Bathing Suit?
Q: Hindi, tagalog ito.
A: Blusa at Sando?
Q: Mali. E, sa kalalakihan naman, ano ang tawag sa kasuotan. B rin ang simula.
A: Brief?
Q: Hindi, mas manipis pa ito...
A: Bikini brief?

***

MC : Sino ang national hero ng Pilipinas? The initials are JPR. (Dr. Jose P.
Rizal)
BL : Jeric P. Raval!
MC : Mali! He is a doctor.
BL : Dr. Jeric P. Raval?

***

MC : Sino ang tinaguriang concert queen ng Pilipinas with initials PF? (Pops Fernandez)
BL : Pernando Foe!
MC : Mali! Queen nga, e, di babae!
BL : Mrs. Pernando Foe --- si Susan Roces.

***

MC : Sino ang pumatay kay Magellan? Initials niya ay LL. (LapuLapu)
BL : Lito Lapid!
MC : Mali! Inuulit ang pangalan.
BL : Lito Lito!
MC : Mali pa rin! First name lang.
BL : LotLot!
MC : Hindi! Mas mahaba iyon.
BL : LotLot ... and Friends?

***

MC : Sino ang ating bayaning tinaguriang "Ang Dakilang Lumpo" with the
initials AM? (Apolinario Mabini)
BL : Si Alma Moreno!
MC : Mail! Lalaki iyon.
BL : Si Mr. Alma Moreno?
MC : Mali! Patay na iyon.
BL : Ha? Namatay na si Alma Moreno?

***

MC : Ano ang kaharap ng writer sa trabaho na nagsisimula sa letter M?
(Makinilya)
BL : Money!
MC : Hindi! Ginagamitan ito ng mga daliri.
BL : Manicure?
MC : Mali pa rin. Ito ay may ribbon.
BL : Manika!
MC : Mali na naman. Ito ay may maraming letters.
BL : Mailbox!
MC : Hindi. Ito ay may kulay.
BL : Mens!

***

MC : Ano ang tawag sa gamit na pang-hapagkainan na bilog at kadalasa'y gawa
sa ceramic o porcelain at nagsisimula
sa letter P? (Plato)
BL : Platito!
MC : Mali! Mas malaki ito kesa sa platito.
BL : Palanggana?
MC : Mali pa rin! Ginagamit ito sa pagkain.
BL : Pustiso!

***

MC : After one year, ipinagdiriwang ito tulad ng "Unang A "? (Anibersaryo)
BL : Away!
MC : Mali. Ito ay may kinalalaman sa inyong relasyon bilang mag-asawa.
BL : Annulment.
MC : Mali na naman. Ito ay patunay sa inyong matamis na pagsasama.
BL : Aneymoon!
MC : Mali uli. Sa 25 years, ang tawag ay silver. Sa 50 years, golden.
BL : Alahas!
MC : Hindi. Para dito, kadalasan may handaan.
BL : Apunan!

***

MC : For movie publicity, ito ay pagpupulong with reporters at may mga
letrang PC? (Press Conference)
BL : Philippine Constabulary!
MC : Mali. May pagkain dito.
BL : Ponge Cake!
MC : Hindi. May mga reporters nga na sumusulat para sa movie magazine.
BL : Pilipino Classics!
MC : Hindi. First word is Press.
BL : Pres Cory!

***

MC : Si Inday Badiday ay tinaguriang Reyna ng . It starts with the letter I. (Intrigue)
BL : I to I!
MC : Mali. Ito ay source ng mga away.
BL : Isnaban!
MC : Hindi. Ginagamit ito ng ibang mga artista at producers para kumita ang kanilang pelikula.
BL : Interview!
MC : Hindi! Ito ay nakakainis!
BL : Insekto!

***

Q: Anong pambansang damit sa lalaki?
Starts with the letter "B" (Barong) GO!
A: Bahag?
Q: Hindi, may malaki pa dito sa bahag
A: Baggie

***

Q: What is the national food of the Philippines? Starts with letter "L" (sagot=Lechon) GO!
A: Laing!
Q: Hindi! Baboy ang ginagamit sa pagluluto!
A: Ginisang baboy sa laing?!!

***

Q: Sino ang nanalo ng Miss Universe 1994 na ginanap sa Manila? Clue: Indian siya. GO!
A: Indiana Jones!
Q: Hindi! Ang initials ng name niya ay SS (Sushimita Sen)!
A: Stella Strada!
Q: Hindi, buhay pa siya.
A: Stella Suarez?!
Q: Hindi siya bold star!
A: Ah, Senator Shahani!

***

Q: Pag ikaw ay nalunod, ginagawa ito sa iyo. Clue: M---- to m---- resuscitation (Mouth to mouth resuscitation). GO!
A: Man to man resuscitation?
Q: Hindi, ang simula nito ay isang bahagi ng mukha, at ginagawa ito para ikaw ay makahinga.
A: Nose-to-nose resuscitation?
Q: Hindi, mas mababa pa sa nose.
A: Neck-to-neck resuscitation.
Q: Hindi pa rin. Basta nga, resuscitation ang ginagawa sa iyo at bibig ang ginagamit.
A: Graded oral resuscitation! (Graded oral recitation)

***

Q: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap (fill in the blank)
"kapag may aklat, ______". Clue, starts with the letter "S" (sikat) GO!
A: Sosyal! Kapag may aklat, Sosyal!
Q: Hinde, ang synonym nito ay hinahangaan ka ng mga tao o fans kagaya kay Nora Aunor
A: Superstar! Kapag may aklat, Superstar!
Q: Hinde, ang kaparehong kahulugan nito sa ingles ay famous.
A: Sip-sip! Kapag may aklat, Sip-sip!
Q: Hinde, ang kaparehong kahulugan rin nito sa ingles ay Sunrise.
A: Sunshine! Kapag may aklat, Sunshine!
Q: Hinde nga eh! other word ng Sunshine sa pilipino?
A: ST! Kapag may aklat, ST!

***

Q: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap (fill in the blank)
"You’re nothing but a second rate. Trying hard, copy ____". Clue, starts with the letter "C" (cat) GO!
A: Cuneta! "You’re nothing but a second rate, trying hard, copy Cuneta".
Q: Hinde, madalas ito ang dahilan sa ang mga bata ay nagkakasakit dahil sa kanyang mga balahibo.
A: Corikong! "You’re nothing but a second rate, trying hard, copy Corikong".
Q: Hinde sabi, Madalas ay pagala-gala sa mga kalye at sa kalsada.
A: Cop! "You’re nothing but a second rate, trying hard, copy Cop".
Q: Hinde, ito’y madalas hinahabol ng aso.
A: Cartero! "You’re nothing but a second rate, trying hard, copy Cartero".

***

H: Ano ang Pambansang isda ng Phils.?
(Note: correct answer is Bangus/Milkfish)
C: Pating?!
H: Mali! O eto ang clue: "Ito ay nagsisimula sa letrang "B".
C: Balyena!?
H: Mali na naman! Another clue, 100 times na mas maliit sa balyena.
C: Alam ko na!...BUTETE!!

***

H: Ano ang 2 + 2? (Note: correct answer is 4)
C: Tri ?!
H: Mali! O eto ang clue: "Taasan mo ng konti".
C: (in a higher tone) TRI?!!

***

H: Unang tanong, "What is the national tree of the Philippines? I'll give you a clue, it starts with letter "N"." ("Narra" is the answer)
C: "Niyog!"
H: "Another clue, mas matigas pa diyan!"
C: (In a strong-sounding voice) "NIYOG!!!"
Blog Widget by LinkWithin