Parental Wisdom - Filipino Style

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit Ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

(Read along.....for laughs only)

Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE:

"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga Leche kayo,kalilinis ko lang ng bahay."

***

Natuto ako ng RELIGION kay Itay:

"Kapag yang mantsa di natanggal sa uniform, magdasal ka na!"

***

Kay Inay ako natuto ng LOGIC:

"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

***

At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:

"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang Manonood ng sine."

***

Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:

"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

***

Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM:

"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

***

Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin Ng STAMINA:

"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

***

At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:

"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, Parang dinaanan ng bagyo!"

***

Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:

"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

***

Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION:

"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"

***

Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:

"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

***

Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig Sabihin ng ENVY:

"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo Nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

***

Si Itay naman ang nagturo sa akin ng

ANTICIPATION:

"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

***

At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig Sabihin ng RECEIVING:

"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

***

Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR:

"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, Wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

***

At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE:

"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

Blog Widget by LinkWithin