How Not To Please Your Boss? (Tagalog Jokes)

A fellow pinoy blogger wrote about the F-Word, my comment is that most Pinoy can't take a wild reply. Here i post from my inbox how to say the F-word to your boss the Tagalog way! :galit:

1. Ano!? Yan lang di niyo pa kayang gawin at iuutos niyo pa sa akin?

2. Hellooo! Gawin niyo na iyan no para naman huwag niyong makalimutan kung paano mag-isip.

3. Sir, makinig kaya kayo sa akin!? Pwede?

4. Puwede ba, busy ako? Mamaya na po yan.

5. Gumawa kayo ng sarili niyong presentation!

6. If challenges are more important than financial rewards, then why don't you just trade in your salary for my challenges?

7. Pwede pong paki-decide kung alin sa 10 inutos niyo sakin ngayon ang talagang urgent?

8. Absent po ako today. Wala lang, ayaw ko po kayong makita eh...

9. Pwede bang mag-all expense paid na vacation? Sige na naman, pagod na pagod na po ako eh.

10. Sir, bili niyo naman akong yosi. Sige na! Sa inyo na lang po yung sukli.

11. Uwi na po ako ha. Bahala na kayo dito sa opis..

12. Sir, pwede po bang taasan ang sweldo ko? Ang hirap kasi ng trabaho ko eh, ang pakisamahan
kayo!

13. Mag-reduce naman po kayo! Mukha na kayong balyena eh.

14. Bakit po pag kami walang ginagawa pinapagalitan niyo kami? Pero bakit pag kayo ok lang?

15. Akala niyo ba magaling kayo? Wala lang silang mapiling iba kaya kayo nilagay diyan sa
pwestong yan!

16. Ma'am, ang bait niyo po talaga. Sana kunin na kayo ni Lord.

17. And it is with utmost sincerity that I wish you the best of luck spending the rest of your afterlife rotting in hell at Satan's side where you belong.

18. Kung totoong nag-client call kayo patingin ng service report niyo!

19. Sagutin niyo naman yung telepono. A little exercise won't hurt.

20. Sige, gagawin ko po ito. Pero pagtimpla niyo ko ng kape.

21. Shut up when I'm talking to you!

22. Kayo itong may pa-kotse tapos ako uutusan niyo pumunta sa meeting? Ano kayo, hilo!??

23. Ano?!! Di niyo alam mag-print? Sayang ang laptop niyo ma'am.

24. Sir aminin niyo na po, nagpapa-cute lang kayo sa client. Kunyari pa kayo na binebentahan niyo siya.

25. Ang ganda ng resulta ng pagkaka-plastic surgery niyo, banat na banat! Lalo tuloy kayo pinagtatawanan eh.

26. If you really think it's that important, di kayo gumawa.

27. Sir, palit tayong sweldo!

28. Ang sarap po siguro ng trabaho niyo no? Biro niyo utos lang kayo ng utos samin. Ang laki pa ng sweldo!

29. Gusto niyo mag-trabaho naman for a change?

30. Do my work over the weekend?!?! At baket!? Sino kayo para utusan ako?

31. Ngayon na due ito? Eh di kayo gumawa!

32. Can't you see I'm goddamn busy?

33. If you need me, bukas na lang. May date po ako ngayon eh.

34. Asus!! Mage-edit lang hindi pa kaya! Kayo na lang ang mag-edit para hindi sayang sa oras.

35. Sir, tinatamad po akong pumasok ngayon e. Sa bahay na lang po ako mag-iinternet at mage-games, ala pang gastos.

36. Huli kayo! Nanonood din pala kayo ng VCD ha!

37. Sir, lahat po ng kelangan niyo nandyan na. Kelangan niyo lang po tingnan mabuti!

38. Tsk tsk tsk, yan na nga ba sinasabi ko e. Ayaw niyo kasi makinig sakin.

39. Pwede bang sakin na lang position niyo?


Blog Widget by LinkWithin
Related Posts with Thumbnails