Tagalog Jokes (collection # 3)

Enjoy this third collection of Kabayan Junction's Filipino funny jokes, if you enjoy this please comment for more.



Rommel: Alam n’yo, palagay ko, madaling operahan sa lahat ang mga accountant. De numero tiyak ang organs.
Mark: Sa tingin ko, mas madaling operahan ang librarians. Alphabetical ang mga organ.
Jeffrey: Sa akin, ‘yung mga electrician. Color-coded kasi ang organs.
Phillip: Mali! Pinakamadali ang mga pulitiko… mga walang puso’t buto ang mga ‘yan! Walang pakiramdam. At higit sa lahat, pareho lang ang utak sa puwet!
***
Titser: Patrick, ano ang sinabi ng mga magulang mo nang makita ang grades mo?
Patrick: Lahat po ba ng sinabi nila o tatanggalin ko po ‘yung bad words?
Titser: Tanggalin mo ang bad words.
Patrick: Wala po.
***
KASABIHAN: Kapag maiksi ang kumot, unano ang natutulog.
***
Jake: Pare, may good news at bad news ako sa ‘yo. Alin ang gusto mong unahin ko?
Harold: ‘Yung bad news muna, pare.
Jake: ‘Yung nililigawan mo na si Joy, may syota na, pare!
Harold: Ano naman ang good news?
Jake: Syota ko na si Joy, pare!
***
Pilar: Mare, pwede ba, dito muna ako sa inyo? Lumayas ako sa ‘min. Kasi, buntis ako.
Emilia: Dapat, sa lalaking nakabuntis sa ‘yo ka pumunta.
Pilar: Kaya nga pumunta ako rito, eh. Nandiyan ba si pare?
***
Ulat ng reporter:
"Sa ulo ng mga balita… Isang buntis, nasaksak. Sanggol, nakailag. Ayon sa ina, nagyayabang ang kanyang sanggol na kamag-anak nila si Bruce Lee."
***
Sa laki ng earth, di ba, nakatutuwa na nagkakilala tayo?
At sa dinami-rami ng mga tao, di ba, nakapagtataka kung bakit tayo pinagtagpo?
Sabi kasi ng matatanda, "Basta mga pasaway, bagay pag-untugin!"
***
A Girl’s Prayer:
"Lord, I pray for WISDOM to understand my man… LOVE to forgive him… PATIENCE for his moods… because, Lord, if I pray for STRENGTH, baka mabugbog ko lang!"
***
Puso: Mahal ko talaga siya!
Utak: Alam ko. Sobra pa nga, di ba?
Puso: Alam mo naman pala, eh! Bakit pilit mo pa siyang kinalilimutan?
Utak: Ayaw ko na kasing masaktan ka.
***
May tao na bigla kang iiwan…tapos, biglang lilitaw… para lang paasahin ka.
Para mas saktan ka.
Kaya lagi mong tandaan… ang pangalawang pagluha, katangahan na.
***
Sa isang kampanya, sinabihan ng organizer ang emcee, "Paki-acknowledge naman si mayor. Late na kasi dumating. Ayun, o, kadadaan lang."
Sey ng emcee, "I would like to acknowledge the arrival of the late mayor who just passed away." ***
Nasa bus sina Jinggoy at Erap…
Jinggoy: Dad, bakit ka nakapikit? May sakit ka ba?
Erap: Wala. Ayaw ko lang makakita ng matandang babaeng nakatayo sa bus.
***
Sa barangay hall…
Kandidato: P20,000 para sa barangay kung mag-#1 ako rito!
Barangay chairman: Manalo lang nga, hirap na… mag-#1 pa?!
Kandidato: Gagawin kong P50,000 para sa barangay!
Barangay chairman: Ilagay n’yo sa donation box. Balikan n’yo bukas. Kapag nawala, tinanggap ng barangay.
Kinabukasan… nandoon pa rin ang P50,000…
Kandidato: Chairman, P50,000 para sa ‘yo!
Barangay chairman: Aba! Hindi ako mahirap kausapin! Pero hindi #1.
Kandidato: Bakit naman?
Barangay chairman: Mas malaki ang bigay nu’ng nauna sa ‘yo!
***
‘Kainis ‘tong bagong SIM card.
Arman: Hindi maka-call. Hirap makapasok!
Lito: Ano bang sabi? Network busy, system busy, o number busy?
Arman: Erection error daw!
***
Nakaharap si misis sa malaking salamin…
Misis: Ang taba ko na! Magsabi ka naman ng magandang bagay tungkol sa akin.
Mister: Malinaw pa ang mga mata mo, darling.
***
Hospital director: May reklamo ka raw sa doktor namin?
Babae: Bigla kasing ipinasok ang dalawang daliri niya sa ari ko!
Hospital director: Talagang ganu’n kapag ine-examine.
Babae: Di ba, dapat… dilaan muna?
***
Mommy: Anak, kumusta ang first day mo sa school?
Anak: First day? Ibig pong sabihin, babalik pa ako bukas?
***
Minsan sa buhay, takot tayong harapin ang katotohanan. Kasi, madalas, nasasaktan tayo. Ako?
ngayon, isa lang ang kinatatakutan ko. Alam mo kung ano?
SECRET! Baka takutin mo pa ako, eh!
***
"Ang pag-ibig ay parang imburnal…"
Nakatatakot mahulog. At kapag nahulog ka, it’s either by accident o sadyang tanga ka lang talaga.
***
T: Ano ang sinabi ng ipis sa taong nanghahampas ng tsinelas sa kanya?
S: "Kung makapalo ka, akala mo, anak mo ako, ah?!"
***
If someone asks me what friendship is, tatabi ako sa ‘yo… ngingiti sa ‘yo… aakbayan ka at bubulungan, "Anong sabi niya? English, eh!"
***
I have a little angel flying around with a hammer.
Each person he hits, gets a little bit of my love and friendship…
Sana… bugbugin ka niya… para damang-dama!
***
Maraming uri ng tao. May gwapo, maganda, cute…
Ang swerte ko. Kasi, sa dami ng tao, nakilala kita.
Mabait….funny…saan ka pa!
***
Reporter: Your Eminence, meron ho ba tayong pag-asa na Pinoy ang susunod na Santo Papa?
Cardinal Rosales: Meron. Kapag Comelec natin ang magbibilang ng mga balota!
***
T: Ano ang kaibahan ng JOKE sa MAGTANIM?
S: Ang JOKE ay biro. Ang MAGTANIM ay di biro.
***
T: Bakit bulaklak ang kadalasang design sa panty?
S: Kasi, alay sa mga patay na buhok.
T: Eh bakit sa brief, wala?
S: Kasi, meron nang nakatirik na kandila… may alay pang itlog!
***
Usapan ng mag-ama…
Anak: Daddy, sino ang mas mahal mo… ako o si mommy?
Daddy: Syempre, ikaw!
Anak: Sabi ko na, eh! Kasi, kapag maginaw, kinukumutan mo ako. Pero si mommy… hinuhubaran mo!
***
Titles of upcoming sexy tagalong films:
Ang Kati Ng Higad Mo
Bubudburan Ko Ng Niyog Ang Mainit Mong Pichi-Pichi
Kapag Gumabi, Bumubuka Ang Kabibe
Lawayan Mo, Baka Mausog
Huwag Mong Ibabad, Isawsaw Mo Lang
Napagod Ang Bunganga Sa Laki Ng Tilapia
Huwag Mong Kamayin, Baka Mapanis
Pasalat Ng Peklat
Diligan Mo Ng Suka Ang Nanunuyo Kong Lumpia
NOOD NA!
***
Ano sa Tagalog ang SEX?
Ano nga ba?
Nagsisimula sa ‘K’ at nagtatapos sa ‘N’…
Panigurado, alam mo!
Alam ko ang iniisip mo… ‘KA… AN’!
:::::
KASARIAN, di ba?
‘Yun ba ang sagot mo?
***
Nagpasiklaban ang tatlong doktor…
Doktor #1: Inoperahan ko ang bisig ng isang pasyente at ngayon ay isa na siyang sikat at magaling na basketbolista!
Doktor #2: Inoperahan ko ang binti ng isang pasyente at ngayon ay kilala na siya sa mundo bilang mahusay na marathon runner!
Doktor #3: Panis ang mga ‘yan! Inayos ko ang ngiti ng isang hangal at ngayon, isa na siyang senador!
***
Sa isang ospital…
Misis: Dok, kumusta ho ang mister ko?
Dok: He’ll be ALL RIGHT!
Misis: Ho?! Pagkatapos ng grabeng aksidente niya?!
Dok: Oo naman! Pinutol namin ang kanyang left arm at left leg, so, ALL RIGHT na siya!
***
Dok: Iwasan mo ang maalat at mataba!
Diego: Eh paano ‘yan, dok… mataba ang misis ko.
Dok: Maghanap ka ng slim. Ehe! Ano ba’ng nasabi ko?!
***
Sa isang OB gyne clinic, pinaghuhubad ang lahat ng babaeng nagsasadya habang hinihintay matawag ang kani-kanyang numero…
Adora: Ang bastos talaga ng doktor na ‘to! Hubo’t hubad tayo, magpapa-BP (blood pressure) lang naman ako!
Belinda: Buti ka pa, magpapa-BP. Ako, kukunin ko lang ang resulta ng lab test ko.
Clara: Ang swerte n’yo! Ako, kukunin ko lang ang payong na naiwan ng nanay ko kahapon!
***
Mister: Ano kaya ang mangyayari sa ‘yo kapag namatay na ako?
Misis: Baka mamatay na rin ako.
Mister: (natuwa) Bakit naman?
Misis: Eh kasi, nakamamatay minsan ang sobrang kaligayahan, ‘di ba?!
***
Nagkuwentuhan ang tatlong magkukumare tungkol sa kanilang karanasan sa pag-blowjob sa kani-kanyang mister.
Sabi ni Jenny, "Ang itlog ni Samuel ko, malamig!"
Pag-ayon ni Norma, "Oo nga, eh! Kay Harold ko, malamig din!"
Sambit ni Cora, "Hindi ko pa alam mag-blowjob. Susubukan ko mamayang gabi!"
Kinabukasan, bugbog-sarado si Cora.
"Bakit puro pasa ang mukha mo, mare?" usisa nina Jenny at Norma.
Paliwanag ni Cora, "Pag-blow job ko kay Jose, tinanong ko siya, ‘Bakit ang init ng itlog mo? Kina kumpareng Samuel at Harold, malamig!’ Tapos, sinapuk-sapok na ako! Hu! Hu! Hu! Hu!"
***
Sa isang fastfood restaurant…
Lolo: John, pakiabot mo nga ang kutsara.
Apo: Lo, Jenny po.
Lolo: John, pakiabot ng kutsara.
Apo: Lo, Jenny po!
Lolo: Leche kang bakla ka! Iabot mo na nga ang kutsara!
***
"It’s better to cross the line and suffer the consequences than just to stare at the line for the rest of your life." – Patakaran sa Patintero
***
Bata: Itay, kinakain po ba ang SHIT?
Itay: Ha? Bakit mo naman naitanong?
Bata: Kasi po, kagabi, narinig ko si ate, sabi sa boyfriend niya, "Shit, ang sarap!"
***
Joshue: Isosoli ko ‘tong nabili kong DVD.
Eliseo: Anong problema?
Joshue: Walang picture at sound. Sayang… suspense thriller pa yata ‘to.
Eliseo: Anong title?
Joshue: The Lens Cleaner.
***
T: Bakit ang tao, kapag ipinanganak, madalas na ulo ang unang lumalabas?
S: Kasi, ang tao, kapag ginagawa, ulo rin ang unang pumapasok. ‘First In, First Out’ policy ang tawag du’n.
***
Mahirap sabihin ang "I hate you." Pati ang "I’m sorry." Lalo naman ang "I love you."
Pero pinakamahirap sabihin ang, "Iskibiratsiboop iskirababap bloopikiribitkiribit!"
Ikaw nga?!
***
Isang araw, may itinanong ang isang bata sa kanyang ama.
"Itay, paano ba ninyo ako ginawa ni Inay?" usisa ng bata.
Sagot ng ama, "Madali lang, anak. Kumuha kami ng Inay mo ng banig… nilukot namin at itinabi sa sulok… at nang tingnan namin kinabukasan, nandoon ka na."
"Ganu’n lang?" sey ng bata, na bumubulung-bulong habang pumunta sa kuwarto.
Kumuha ang bata ng banig. Nilukot iyon at itinabi sa sulok.
Kinabukasan, nang tingnan ng bata ang banig, may lumabas na ipis.
Sinabihan ng bata ang ipis, "Pasalamat ka at naging anak kita! Kundi ay hinambalos na kita riyan!"
***
Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Nais ko ay malaman mo
Na cute ako
***
Kung may isang kulang ngayon sa buhay ko… hindi ‘yun yaman o kaya kaibigan.
Hindi rin lovelife o sexlife.
Simple lang ang kailangan ko… pampapangit!
‘Yun lang.
***
Bakit kita barkada?!
Kasi, you’re… astig kasama! Lupet katropa! Bagsik pumorma!
Hanep sa patawa! Tindi sumuporta!
In other words… ayusin mo ang buhay mo.
***
Top corporate positions for women…
VP: Virgin Pa
FVP: Feeling Virgin Pa
EVP: Ewan kung Virgin Pa
CEO: Certified Expert in Oral sex
***
Naalala ko, noong nasa school ako, may nagtanong…
"Paborito mo ba ang Geometry? Kasi… kahit anong angle, ang cute mo!"
Haaay… nakahihiya talaga, sobra!
***
Huwag mong isiping pangit ka…
:::::
Maiinis ka lang.
***
"Ibinoto ko si Chavit Singson. Dahil sa kanya, hindi na palabuy-laboy ang asawa ko. Hindi na siya lasenggo, sugarol at babaero." – LOI
***
"Handa kong ibigay ang init ng katawan na ninanais mo at sisiguraduhin ko na hindi ka makatutulog…" – SUMMER
***
When you run so fast to get somewhere, you miss the fun of getting there.
Life is not a race, so, take it slower. Hear the music before the song is over.
In short, mag-exercise tayo tuwing umaga!
***
Juanito: Ang gulo talaga ng buhay!
Paeng: May gugulo pa ba sa buhay ko? Tingnan mo… ‘yung pinakasalan kong biyuda, may dalagang anak. Pinakasalan ni Itay ang dalagang anak ng asawa ko. Lumalabas na nanay ko ang anak ng aking asawa, at si Itay ay anak ko.. Ang asawa ko naman ay biyenan ni Itay. Nang magkaanak sila, ako ngayon ang lolo ng kapatid ko! Ang gulo!
***
Hi! Kumusta?
Siguro, ang saya-saya mo. Buti ka pa. Ako, eto, pinagagalitan dito sa amin.
Sinigawan ba naman ako. Biruin mo, sabihin ba namang, "Kung ganyan ka ka-cute… lumayas ka na rito!"
Tama ba ‘yun?
***
Sometimes, emotions burst when it’s tightly kept. So, I just want you to know that if there’s something wrong, always remember that there are THREE DOORS opened just for you:
mataDOOR!
emperaDOOR!
fundaDOOR!
***
Mahirap magmahal ng bago. Darating ang panahon, maaalala mo ‘yung isang mahal mo.
Sino ba dapat?
‘Yung PRESENT mong mabait… o ‘yung EX mong sobrang galing HUMALIK?!
Patay tayo riyan!
***
Paalala ng isang airline:
"We are now preparing to land in San Francisco International Airport. Should you need any assistance, please don’t hesistate to ask us. We hope you enjoyed your flight!
"Paalala sa mga Pilipinong pasahero… ang mga unan, kumot, plato at iba pang mga gamit sa eroplano ay hindi kasama sa pasalubong. Maraming salamat po!"
***
Sabi ng isang mapagmahal na ina sa probinsya sa kanyang anak na nag-aaral sa Maynila:
"Hello, anak? Naipadala ko na sa LBC ang P50,000 na pangmatrikula mo sa eskwelahan.
"Ipinagbili na namin ‘yung kalabaw natin. Ang mahal pala kapag Automotive ang kurso mo.
"Wala na rin tayong alagang baboy. Naipagbili na rin namin ng tatay mo para sa sinabi mong project… Nokia N95 ba ‘yun? Anak, ang mahal naman ng project mo.
"Kasama rin doon ang baon mong P7,000 para sa recollection ninyo sa MOA… Saan ba ‘yun? Siguro, ang laking monasteryo."
***
Bisaya: Hulaan mo kung ano ang alaga naming hayop. Nagsisimula sa letter I.
DJ: Isda?
Bisaya: Dili!
DJ: Ibon?
Bisaya: Lapit na!
DJ: Sirit! Ano?
Bisaya: Igol (eagle)!!]
***
If only I’m an angel… I’ll protect you, lend you my wings, watch over you 24/7.
But what can I do? Eh demonyo ako!
So, paano? Papatayin ko na lang ang magpapaiyak sa ‘yo…
***
If there are 1,000 steps between us, take the first step and I’ll take the rest…
If we have found P1,000, ano pa nga ba? Eh ganu’n din… sa ‘yo, piso, and I’ll take the rest.
***
Sa ngayon, malayo tayo sa isa’t isa. Hindi tayo nagkikita at alam kong nami-miss mo rin ako.
Tandaan mo… kung gusto mo akong makita, tumingin ka sa itaas… baka sakaling makita mo ang billboard ko!
***
Jenny: Nakipag-break ka na raw sa boyfriend mo?
Melissa: Oo. Hindi kasi marunong humalik. Nakaiinis! Isang style lang ang alam, hindi ko feel!
Jenny: Anong style ba ang alam ng boyfriend mo?
Melissa: Flying kiss.
***
Apo: Lola, ang sarap naman po ng tapa na nasa platito. Malinamnam na malinamnam po!
Lola: (nanginginig ang boses) Ay naku, apo! Hindi tapa ‘yon! Binakbak ko lang ang sugat ko…
***
Lolo: Pakiabot naman ‘yang posporo.
Lola: Andiyan naman ‘yung Shellane, eh!
Lolo: So, ipanlilinis ko ‘yang Shellane sa taynga ko? Haller!
***
Nanay: Juan, nasaan ang MAYON VOLCANO?
Juan: Aba, ‘Nay, malay ko! Kayo itong burara! Kung saan-saan ninyo inilalagay, tapos, kapag hindi ninyo makita, sa akin ninyo hahanapin?! Ayusin n’yo ang buhay n’yo!
***
Dahil sa SEX…
Marami akong nakilala. Natuto akong magpuyat. Kahit anong posisyon ay kaya ko… nakahiga, nakaupo, nakatayo o nakatuwad.Gosh … SEX ba ang nasabi ko? I mean… TEXT!!!
***
Naghahanap ang isang mayamang biyuda ng mapapangasawa na hindi mambubugbog sa kanya, hindi siya iiwanan at magaling sa kama.
Daan-daan ang nag-apply pero walang pumasa sa panlasa ng biyuda.
Isang araw, tumunog ang kanyang doorbell. Pagbukas ng biyuda sa pinto, tumambad sa kanyang paningin ang isang lalaking walang mga kamay at paa, at nakahiga sa ‘welcome mat.’
"Ano ang sadya mo?" usisa ng biyuda.
"Ako ang lalaking hinahanap mo!" tugon ng lalaki. "Hindi kita bubugbugin dahil wala akong mga kamay, at hindi kita iiwanan dahil wala akong mga paa."
"Bakit, magaling ka ba sa kama?!" tanong ng biyuda.
Ngumisi ang lalaki, "Hulaan mo kung ano ang ipinampindot ko sa doorbell."
***
Nagsabihan ng lihim ang tatlong pari…
Pari #1: Sa inyo ko lang ‘to sasabihin. May nabuntis akong parokyana.
Pari #2: Ako naman, bading. May boyfriend akong sakristan.
Pari #3: Ako naman, madaldal.
***
Ang kaibigan ay parang video…
May action at may love story! Pero kung ikaw ang bida, ahh… alam ko ‘yan!
Sure ako…
Scandal ‘yan!
***
Richard: Totoo yatang malas ang number 13.
Cesar: Bakit mo nasabi ‘yan, pare?
Richard: Ahh… ehh… ‘yung friend kong senatoriable, pang-13 siya!
***
Kathy: Totoo bang ang nagustuhan mo kay pare ay ang pagiging POTENTIAL good lover?
Ella: Ahh… ehh… oo. Pero FOOTential ang tinutukoy ko.
Kathy: Anong ibig mong sabihin, mare?
Ella: Halos 1 FOOT ang manoy niya!
Kathy: Ay, FOOT-ah! Sarap naman!
***
Ang tunay na cute, wala sa mukha… sa ayos… o sa panlabas na anyo.
Dahil ito ay nasa… akin lamang!
Inuulit ko, sa akin lamang! Pwera usog!
***
Hindi ko masabing hindi ko kayang mabuhay nang wala ka. Kasi, nabuhay na ako bago pa kita nakilala.
Siguro, mas magandang sabihing…
"Ayokong mawala ka. Kasi, mas masarap mabuhay kasama ka."
***
Love isn’t about having the other or even having each other. It’s really about what we become because of the other.
***
Sometimes, love is a playing card…
Kaya mag-ingat ka sa pipiliin mong mahalin.
Love spade… heart… diamond… flower… but never love the JOKER!
Or else… magagalit si Batman.
***
"Guys, please don’t vote for JOKER. Kasi, kaaway namin siya." – BATMAN & ROBIN
***
Na-in love ang isang aso sa isang baboy.
Isang araw, naglakas-loob ang aso at sinabi niya, "Baboy, mahal na mahal kita…"
Ang sagot ng baboy… "Oink."
***
Kapag nabigo ka sa pag-ibig, huwag kang iiyak… huwag kang uminom ng alak… huwag kang magmakaawa.
Instead, tumayo ka and be proud to say, "Yes! Available na naman ako!"
***
Love starts with a smile… grows with a kiss… ends with tears…
‘Yun lang!
Ano pa ang gusto mo?!
May sex pa, tapos, magkaka-baby pa?!
Mahirap ang buhay ngayon!
***
True love doesn’t speak loud.
Just a soft whisper is enough because it’s not the mouth that really talks… it’s the heart.
So, let me whisper…
"Sssshhh… special ka… special child."
***
May nakakita sa akin na malungkot at nag-iisa.
Sabi niya, "kung mahal mo siya, bakit hindi mo ipadama?"
Tumulo ang aking luha at ang sagot ko, "Mahal ka riyan! Naiwan ako sa outing, tanga!"
***
"Tepung terigu, kepingan coklat gula minyak nabati, bubuk coklat garam pengembang lemak jenuh berdasarkan."
HUWAG KANG MAG-ALALA. Hindi sumpa ‘yan.
Ingredients ‘yan ng Chips Ahoy na galing Malaysia!
***
T: Bakit hinihila ang tali?
S: Kasi, mahirap itong itulak.
***
Kung kasalanan maging masarap…
Kung kasalanan maging kaakit-akit…
:::::
I’m sorry.
***
Sabi nila, ang buhay ay puno ng pagsubok.
Sabi ko naman…
:::::
"Ah, ok."
***
Minsan, isip-bata ako. Minsan, seryoso.
Minsan, sweet. Minsan, sensitive.
At minsan, manhid.
Pero kahit praning, magulo at makulit ako… sa totoo lang, laking-NIDO rin ako!
***
Anak: Itay, wala na naman po tayong ulam.
Itay: Mahirap ngayon ang buhay, anak. Tiis muna tayo. Isipin mo na lang ‘yung ulam na sasabihin ko sa bawa’t subo mo.
Anak: Sige po, Itay!
Itay: Nilagang baka.
Anak: Hmmnn… sarap!
Itay: Adobong baboy.
Anak: Hmmnn… sarap!
Itay: Kalderetang kambing.
Anak: Hu! Hu! Hu! Hu!
Itay: Bakit ka napaiyak?
Anak: Maanghang po, Itay!
***
Korina: Why whould we vote for you?
Pacquiao: Mas mabuti ang bagong katulad ko dahil wala pang sungay.
Korina: In English?
Pacquiao: Well… I’m brand new, so, I’m not yet horny.
***
Dalaga: Walang hiya ka! Niloko mo lang ako! Ba’t hindi mo sinabi na may asawa ka na?
Lalaki: Excuse me! Aba, sabi mo, naghahanap ka ng husband. Well… I’m a husband!
***
Usapan ng dalawang pusa…
Pusa #1: Pare, umalis ka nga sa tabi ko. Nahihirapan akong huminga!
Pusa #2: Anong kuneksyon?
Pusa #1: Hello! May hika kaya ako?! Allergic ako sa fur! Meowww…
***
Usapan ng dalawang aso…
Aso #1: Pare, sabi nila, ang laway raw natin, may rabies. At ang rabies, nakamamatay!
Aso #2: O, tapos? Anong problema?
Aso #1: Nalunok ko ang laway ko! Kinakabahan ako! Shit!
***
Tinititigan ng isang matandang lalaki ang isang teen-ager na kalapit niya.
Ang buhok ng teen-ager ay spike na may kulay berde, pula, orange at asul.
Nairita ang teen-ager at sininghalan ang matandang lalaki, "Lo, wala ba kayong nagawang wild nu’ng inyong kabataan?"
Sagot ng matandang lalaki, "Hindi sa ganu’n. Dati kasi, sobra akong nalasing at tinira ko ang isang peacock. Iniisip ko lang, baka ikaw ang anak namin…"
***
Habang ako’y naglalakad, may babaeng nagtanong sa akin, "Hoy! Ikaw ba ang Hari ng Apoy?"
"Hindi," sagot ko.
Sabi ng babaeng nagtanong, "Ay, sorry! Kasi… nag-iinit ako sa ‘yo, eh!"
***
PSYCHOLOGICAL FACT:
All emotional pains last for 12 minutes or less. Anything longer than that is self-inflicted.
In short… nag-iinarte ka na lang no’n?!
***
Napasilip si Totoy sa kuwarto ng kanyang daddy at mommy. Na-shock siya sa kanyang nakita.
Sinigawan ni Totoy ang kanyang mommy, "Mommy! Pinagagalitan mo ako pag sinusupsop ko ang hinlalaki ko! Pero ikaw…?!"
***
In our life, there will come a time wherein we will hate it because of the things that hurt us but we should never give the blame to our lives because whatever amp#%$ah, ang hirap mag-English!
HELLO na nga lang!
***
Sa kuwarto ng mag-asawa, may pumasok na killer…
Killer: Gusto kong malaman ang pangalan ng biktima ko bago ko siya patayin!
Misis: Inday po.
Killer: Inday rin ang pangalan ng nanay ko. Sige… hindi na kita papatayin. Ikaw… ano ang pangalan mo?
Mister: Ang pangalan ko’y Gary… pero ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Inday.
***
Reporter: Manny, anong bill ba ang gagawin mo kapag congressman ka na?
Pacquiao: Anong BILL? ‘Yung tumotonog pagkatapos ng bawa’t round sa boxing?
***
Isang araw, nagpa-check up si Bambi dahil sa kanyang sakit…
Bambi: Dok, itatanong ko lang ho sana kung may gamot kayo sa pagtatae. Tuwing umaga kasi, tumatae ako, automatic pagpatak ng alas siyete…
Dok: O? Anong problema ro’n? Normal lang ‘yun.
Bambi: Kasi ho, nagigising ako, alas ocho na…
***
Kapangyarihan ng alak
Taglay ay tama
Kambal ang tingin
Gumegewang ang dating
Kami ang… Super Drunk
Inuman na!!!
***
ALAMAT NG PANDEKOKO
Noong unang panahon, wala pang pandekoko. Monay lang ang meron.
Pero may isang panadero na ang pangalan ay Koko.
Namatay si Koko dahil sa alak siya’y naloko. At sa pinaglibingan sa kanya ay may isang sakong tinapay na natagpuan.
"Wow! Ang sarap na tinapay ‘to! At may matamis na palaman sa loob!" sabi ng taumbayan. "At dahil ang nakalibing diyan ay si Koko, tatawagin natin ‘yan na kokojam."
Ay! Alamat pala ‘to ng kokojam.
***
A simple text means ‘I care’… enough to flex my thumb, search your name, wait for ‘message sent’ then think of you and smile as I say:
"Sana, okey ka kahit tulala ka at tumutulo ang sipon mo!"
***
SAYINGS TO LIVE BY
Birds of the same feather are the same birds.
Do not do unto others what you can’t do.
An apple a day is not an apple at night.
When the cat is away, the mouse is alone.
If others can do it, don’t help.
Tell me who your friends are and I’ll tell you mine.
Early to bed and early to rise makes you sleepy in the afternoon.
Ang ilog na tahimik ay malalim. Ang ilog na maingay, may naglalaba.
***
Kung ang lahat ay magbabago at ang lahat ay lilipas… hindi ko sisirain ang pinagsamahan natin!
Pero kung makalimutan mo ‘ko, wala akong magagawa.
Basta ako… sisingilin pa rin kita sa utang mo!
***
Ang sarap tingnan ng langit, ‘no?
Pero nakangangawit tumingala.
Buti na lang, andito ako. Isang lingon mo lang… langit na!
***
Kapag ang love, pinabayaan… mawawala ‘yan.
Parang yelo… natutunaw hanggang sa mawala. Kapag kailangan mo na, saka mo hahanapin.
Kaya kapag nagmahal ka, siguraduhin mong may ref ka!
***
Friends are funny and cute. I mean, look at us. Di ba, tayo ang ebidensya nito?
Ako, cute. At ikaw ang funny.
***

More women join wealthymen.com than any other site


***
Misis: Tama na ‘yang beer mo, masyado kang magastos!
Mister: ‘Yang make up mo, mas magastos!
Misis: Nagpapaganda ako para sa ‘yo…
Mister: Ako, umiinom para gumanda ka!
***
Anak: Itay! May manok sa kusina! Tinutuka ‘yung bigas!
Itay: Paalisin mo!
Anak: Oy, manok! Alis ka raw!
Itay: Tanga! Takutin mo kasi!
Anak: Manok, mumu ako! Awoooo!
Itay: Hindi ganyan. Bugawin mo!
Anak: Boss, chicks? P50 lang, o! Tumutuka ‘to!
***
Bakit kahit anong sama ng Isang tao pag namatay. Maraming tao ang nakipaglibing.
Ang dahilan eh...gusto lang nilang masiguro na nailibing nga ito.
***
Magandang umaga po sa inyong lahat. May kasabihan po tayo na ang batang maagang gumising, maraming gagawin.
Kaya para makaligtas sa mga gawain, magpatanghali ng gising!
***
Tinanong ko ang lolo ko, "Masakit po ba talaga ang magmahal nang lubos?"
Ang sabi ni lolo, "Apo… mayaman tayo. Ayos lang kahit magmahal ang pulbos."
Ay, naku!
***
Sabi, parang paru-paro raw ang tao. Sa umpisa, mga UOD muna tayo. Walang ganda.
Pero darating ang panahon na magiging ganap ang kagandahan.
Teka!
Ang tagal mo nang uod, ah?! Bulate ka siguro!
***
Alin ba ang pipiliin mo?
‘Yung nasa puso mo? ‘Yung laging pumapasok sa isip mo?
O ‘yung laging pumapasok sa kuwarto mo?
***
You must always follow your heart, not your mind… because there’s a saying…
"NEVER MIND."
Ang lalim, ‘no?
***
Science has proven that sugar melts in water…
So, please don’t let me walk in the rain.
Otherwise, you’ll lose such a sweet person like me.
***
Bugaw: Boss, gusto mo ng chicks? P1,500 lang, bata pa at high school student.
Lalaki: Mahal! Wala bang mura? ‘Yung mas magaling pa sa estudyante…
Bugaw: Meron. P150 lang… principal.
***
Mister: Hon, promise, simula ngayon, iiwan ko na ang mga kabit ko!
Misis: Wow! Thank you, love! Ako naman… I promise, ang susunod nating anak, ikaw na ang ama. Promise talaga!
***
Ayon sa isang lider ng Abu Sayyaf, magkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao sa isang kundisyon… pagsumuko na ang militar.
***
Sa isang pulong na politikal, tinanong ang isang kandidato, "Gaano po ba karubdob ang hangarin ninyong maglingkod sa bayan?"
Tugon ng kandidato, "Pinakamarubdob ang pagnanasa kong maging lingkod ninyo. Napaka- yaman ng ating bayan, kaya naman milyones din ang puhunan ko.
"Handa rin akong pumatay mapaglingkuran lang kayo!"
***
PATALASTAS…
Boy: Tahimik ka na naman?
Girl: Ha?
Boy: Galit ka?
Girl: Hindi.
Boy: Hindi ka galit sa akin?
Girl: Hindi naman ako galit sa ‘yo.
Boy: May nagawa ba ako?
Girl: Wala.
Boy: Bakit hindi mo ako pinapansin?
Girl: Hindi naman kita kilala, noh!
***
Ang init ng panahon ngayon. Parang gusto ko ng I. Y.O.T.
Ikaw, gusto mo rin ba ng I.Y.O.T.?
Anong gusto mo?
I-ce cream
Y-elo
O-r
T-ubig
-----
-----
Ikaw ha iba nanaman ang iniisip mo! :)



Blog Widget by LinkWithin
Related Posts with Thumbnails