Tagalog Jokes

I am not sure what life could bring… I am not sure if dreams come true.

I am not sure what love can do… but I’m very sure about one thing…

1 + 1 = 2

***

I asked heaven to send an angel to guard you.

Ano bang meron ka!!! Nagkagulo sa itaas… LAHAT, GUSTO!

Gustong magpaiwan sa heaven!

***

Simula noong bata ako, maraming bagay ang nagbago…

Ugali… kaibigan… pero isang bagay lang ang hindi…

Alam mo kung ano ‘yun?

FISHBALL… P0.50 pa rin.

***

Minsan, puro ako biro. Parang laging naka-drugs. Lagi na lang nakatawa.

Pero sana, paniwalaan mo ako kapag sinabi kong ako ang magliligtas sa mundo.

Ako si CAPTAIN BARBELL!

***

Kapag nakita mo ako na marumi… warat-warat ang damit… walang tsinelas at nasa gitna ng kalye…

Please, huwag kang lalapit…

May shooting ako!

***

Sa buhay natin madali ang magbigay… magparaya… magsakripisyo… Pero mahirap ang magpalaya.

Kaya kung iniisip mo igi-give up kita… neknek mo!

Asa ka pa?!

Eh love kita, ‘no?!

***

What if we didn’t meet? What if we didn’t know each other? What if walang dumating na tulad mo sa buhay ko?

Hayaan mo na! Hanggang WHAT IF na lang ‘yun, because I’m glad we did.

***

Kapag hindi mo na kayang nakikita siyang may iba na… praktikal lang na magbago, umiwas, lumayo.

Kaya kung tatanungin ka niya, "Bakit ka ganyan, inano ba kita?" — sagutin mo, "Wow! Nasasaktan ako! Bulag ka ba?!"

***

Pag nagmahal… minsan, masaya; pero mas madalas, masakit. Tapos, tatawagin ka pang TANGA ng iba!

Kasi, sinasaktan ka na, sinasabi mo pa, "Paano siya?!"

Di mo ba naisip… ikaw... paano ka?!

***

Masakit magpaalam sa taong mahal mo… ang iwan mo siya kahit mahal mo pa.

Pero, di ba, mas masakit kung malaman mong wala ka na palang halaga sa kanya, pero ikaw… patuloy pa ring umaasa sa kanya.

***

Ang puso ko, parang apartment. Marami nang tumira, pero umaalis din pag nagsawa na.

Ngayong dumating ka, itatanong ko lang sana… "Dito ka ba titira? O overnight ka rin tulad ng iba?"

***

Bakit hindi ka na nagtetext? Kung wala ka nang load, okey, no need to text back.

Kung tinatatamad ka, no need to text back.

Kung nagsawa ka na, no need to text back.

Know what? Nanalo ako sa lotto kahapon. First prize.

Uy! Nag-text siya bigla! Urgent ang need niya!

Plastik!

***

Masarap umibig.

May honey, sweetie, gummybears, cupcake, sugar & marshmallow pa1

Hmmnn… masarap pala, bakit may umiiyak pa?

Ahhh… baka sumakit ang ngipin nila.

***

Ang pag-text nang walang humpay… Pambubulabog nang walang sablay… Pang-aasar na walang kapantay… Mga mensaheng walang saysay…

Sa Blobe, possible!

***

Maraming trip diyan…

Laugh trip, tawa lang nang tawa.

Sound trip, music ever.

Food trip, kain to the max.

At ‘yung love trip, alam mo na ‘yun… minsan, tinatawag din ‘yung… bad trip.

***

"Alam mo, wala na akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa ‘yo, pero patuloy ang pag-iwas mo…" – IPIS

***

"Bakit ba sa tuwing nagmamahal ako, nagagalit sila?!" – GASOLINA

***

"Sinamba kita! Lahat ng dumi na para sa ‘yo, kinuha ko. Pati mga paa mo, hinalikan ko… Tapos, ‘yun lang ang igaganti mo sa akin? Ang apak-apakan at laspagin ako?!" – TSINELAS

***

"Hindi lahat ng bubuyog, kulay itim!" – JOLLIBEE

***

"Kung walang nagte-text sa ‘yo, andito naman ako. Itext mo lang ako, segundo lang, magre-reply na ako." – BAL INQUIRY, 222

***

"Buo pa ako nang makuha mo. Matapos mo akong pagsawaan, basta mo na lang ako itatapon at wawasakin ang katawan ko. Huwag mo akong tatapakan; baka masaktan kita at masugatan." – BUBOG

***

"Hindi lahat ng malakas, superhero." – PUTOK

***

"You never know what you have till you lose it. And once you lose it, you can never get it back!" – SNATCHER

***

"Tuwing umiiyak ka, kasalo mo ako sa lungkot. At pagkatapos mong ibuhos lahat ng sama ng loob mo sa akin, basta mo na lang ako itatapon! Sana, magkasipon ka para maalala mo akong muli!" – TISSUE

***

Kapag may nagsabi sa ‘yo na ibibigay niya ang buwan at mga bituin, huwag kang pumayag.

Dahil kahit sungkitin niya ang buwan at mga bituin, aanhin mo naman ang mga ‘yun?

***

"Sikat talaga ako. Kapag dumaan ako, nagtitilian ang mga tao… nagsisigawan! Nagtatalunan pa!" – DAGA

***

"Lagi mo na lang akong ikinakahiya, ikinakaila at iniiwan sa ere! Panindigan mo naman ako." – UTOT

***

"I admit, marami na akong pinadapa! Pinagapang! Hinulog sa kanal! Pinag-away! Nasaktan!

"Pero ano ang magagawa ko? Eh sa kayo ang naglalaway sa akin?! I’m sorry…." – RED HORSE

***

"Ang tagal nating nagsama! Hindi naghiwalay! Natuto ka lang mag-mouthwash kaya ako’y iyong pinalayas!" – BAD BREATH

***

"Sa iyong pagtulog, sinasamahan kita. Binabantayan, inaawitan, akala ko’y papalakpak ka. Iyon pala, ako’y iyong pinipisa. Paalam… " – LAMOK

***

Ambo: Pare, napanood mo na ba sa video ang FX Taxi Scandal?

Jun: Wow! Bago ‘yan, ah?! Sino ba ang bida riyan, pare?

Ambo: Isang member ng Sex Bomba Group kasama ang boyfriend niya.

Jun: O, paanong scandal ang ginawa nila?

Ambo: Nag-LBM si sexy at sumambulat ang baho sa loob ng FX taxi! Naglabasang nagmumura ang mga pasahero!

Jun: Eskandalo talaga, pare!!!

***

Quotable Quotes:

Beauty is in the eye of the beast.

Kapag binato ka ng bato, kawawa ka naman.

Kung may isinuksok, may mabubuntis.

It’s better to give; much better to receive.

Ang taong naglalakad nang matulin, pawisin.

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, mauubusan din ng kandila.

Cleanliness is next to godliness. Oiliness is next to blemishes.

Honesty… is such a lonely word.

***

"Anong akala mo sa akin, mayaman?! Nauubusan din ako ng pera!" – ATM

***

"You never even thanked me for making you happy, then you throw me away just like that… I hate you for using me, for making my life full of shit…" – TOILET PAPER

***

"Napaka-unfair ng buhay sa mundo… Bakit hindi ako pwedeng magmahal?!" – UKAY-UKAY

***

"Biktima rin ako ng abortion." – BALUT

***

"Alam kong may gusto ka sa akin. Pasimple ka pa. Bakit hindi mo ako seryosohin? Pero bago ang lahat, gusto ko, alam mo na hindi ako easy-to-get." – FLAT 1.0

***

"Huwag mong sabihing pinaiyak kita dahil una mo akong sinaktan." – SIBUYAS

***

"Panakip-butas lang ba talaga ako?" – PANTY

***

"Halika, pag-initin mo ako! Kailangan kong pumutok upang ako’y iyong matikman at ika’y masarapan… ayaaan na! Malapit na!!! Puputok na!!! Aaaaahhhh…." – POPCORN

***

"Huwag mo akong sisihin kung cold man ako dahil hindi naman ako magmamatigas kung binigyan mo lang sana ako ng konting importansya!" – KANING LAMIG

***

"Hindi lahat ng alak, nakalalasing." – ALAK-SAN

***

"Hindi lahat ng 13, malas." – 13th MONTH PAY

***

"Hindi lahat ng ngipin ay puti." – BLUETOOTH

***

"Bakit mo ‘ko binibitin kung kailan kainitan at basang-basa ako?" – SINAMPAY

***

"Lagi mo akong yakap. Nakapatong lagi ang hita mo sa katawan ko. ‘Yun pala, tutulugan mo lang ako…" – UNAN

***

"Masayang-masaya ako, kasi, ang dami kong date!" – KALENDARYO [

***

"Nagtatanong lang naman ako pero huwag mo naman akong murahin kapag hindi mo masagot." – TEST PAPER

***

"Ang sarap haplusin ng buo mong katawan… at dumampi sa parteng ako lang ang nakagagawa. Masarap, di ba? Pero bandang huli, iiwan mo lang ako sa isang tabi…" – TUWALYA

***

Encouraging words for today:

Kung hindi ka na masaya sa buhay mo, bakit hindi mo subukan ang kabilang buhay?

***

myBLOBE Advisory:

FREE ULAM! Txt ULAM to 2366 and get hot lumpia + FREE GULAMAN weekly. P20/order. No to FREE ULAM? Reply BUSOG

***

Maraming uri ng tao. May gwapo, maganda, cute, ma-appeal…

Ang swerte ko, kasi, sa daming ‘yun, nakilala kita…

Mabait na… mabait pa… mabait talaga!

***

Kapag nagmahal ka, huwag kang tanga, Kapag sinaktan ka, saktan mo rin. Kapag pinaiyak ka, iwanan mo. Kapag umalis siya, hayaan mo.

Higit sa lahat, huwag kang gagaya sa akin. Sinasabi ko lang… pero hindi ko kayang gawin!

***

Bakit ang tao, parang baliw?

Kapag kulot ang buhok, inuunat. Kapag unat, kinukulot?

Kapag madali ang buhay, nabo-bored. Kapag mahirap, nagsu-suicide?

Kapag mataba, nagpapapayat. Kapag payat, nagpapataba?

Kapag nandiyan, hindi pinapansin. Kapag wala na, hinahanap?

Kapag wala pa, hinihintay. Kapag nandiyan na, itinataboy?

Kapag mainit, gusto’y malamig. Kapag malamig, gusto’y mainit?

Kapag mamamatay, gusto pang mabuhay. Kapag buhay, nagpapakamatay?

Kapag mahal ka, hindi mo mahal. Kapag mahal mo, hindi ka mahal?

Kapag andiyan pa, ayaw ipakita ang nararamdaman. Kapag wala na, saka gustong ipakita?

Baliw nga, ‘no?! Agree?!

***

Alam ko kung saan ilulugar ang sarili ko.

Alam ko na hindi ako kagwapuhan.

Aminado akong hindi ako mayaman.

Alam ko ring hindi ako ganu’n ka-cute.

Pero isa lang talaga ang laban ko… yummy ako! Yeah! C’mon!

***

Girls are definitely not perfect but they are surely sculpted nicely.

So, if your guy looks for the perfect one and he doesn’t see it in you, tell him, "If you want a perfect girl, go find Barbie!"

***

Friendship is always a promise kept in the heart.

So, when everything is unclear, just remember three things:

I’m here… still here… with or without beer.

***

Ang tunay na friend, ipagmamalaki mo…

Nakasuporta sa iyo… hindi ka ibabagsak… Kumportable ka… Mahigpit ang kapit… Laging malapit sa puso mo…

Parang… BRA!

***

Alam ko, marami kang friends. Joker ka kasi!

Alam ko, marami kang textmates. Iba ka kasi!

Alam ko, maraming nagmamahal sa ‘yo. Cute ka kasi!

Pero marami man sila… kapag umutang ka, lalayo rin ang mga ‘yan!

***

Kapag niloloko ka na at madalas na pinagmumukha kang tanga at bukod sa ‘yo ay meron pang iba…

Kahit mahal mo siya, dapat mo na siyang iwan.

Stop torturing yourself!

Dahil wala pang medalya… para sa TANGA!

***

Tao lang ako na pwedeng magmahal… Tao ka lang din na pwedeng masaktan…

Tao lang tayo na marunong magmahal at mahalin…

Pero huwag mong idadahilang TAO ka lang na kaya akong saktan at paglaruan.

***

Never look for the answer because you wouldn't find it. Better look for the reasons, for they would automatically give you the answer.”

***

My wish for you is to be continuously reincarnated as an egg.

This way, you’ll get laid every morning, get eaten every day and get hard in three minutes. Forever!

***

In this joyous season of merrymaking and endless parties, remember this:

"THOU SHALL NOT WEIGH MORE THAN THY REFRIGERATOR!"

***

Q: What do priests and Christmas trees have in common?

A: The balls are just for decoration!

***

GUSTO MO BA NG DATE BUKAS?

:::::

:::::

:::::

May 4, 2007… O, ayan na ang date bukas!

Date sa makalawa, gusto mo rin?

***

"Ang mga estudyante ay nalulungkot… nami-miss ang kanilang mga prof, lessons, quizzes, recitations and assignments."

::::

WEH! Sinong estudyante ‘yan?! Banatan na ‘yan!

Blog Widget by LinkWithin
Related Posts with Thumbnails