Sulat ng Practical na OFW sa L.A. - Joke time



Nabasa mo na ba ang sulat mula sa America, eto bagong sulat ng isang practical na Pinoy sa L.A.

Joke lang walang seryosohan. Thanks to webby.com for the picture.

"A better version from three years ago but still funny!!!


Nurse si Bebeng sa L.A. Isinama niya ang kanyang lola upang magpagamot doon. Ngunit sa kasamaang palad doon na inabot ng pagkamatay ito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Minabuti niyang pauuwiin na lang mag-isa ang kabaong ng kanyang ina.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng lola."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng lola! Kinuha nila ito at binasa. Ito ang nilalaman ng liham mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay, nanay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang lola sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil...
napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko sa kanya pa lang ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni lola ang mga sumusunod...

Nasa likod ni lola ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni lola ay para kay nanay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni lola. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni lola, para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte, sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni lola ay para kay bunso. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni lola, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni lola ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni lola ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni lola. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Mike. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at yung isa ay kay Pareng Isko.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni lola ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni lola.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni lola. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni nanay at Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni lola. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay,

suot-suot ni lola. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, nay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni lola na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit nyo Kuya para pag namatay si lolo may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot- suot din ni

lola. Kunin mo na rin agad, Ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin nyo ang bulak sa ilong ng lola, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon nyo lang si lola at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si lola pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, Itay, Nay, kuya, ate, dikong, ditse, para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay lola. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan nyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,

Bebeng"

Be updated to Kabayan Junction's post Subscribe in as a reader
Blog Widget by LinkWithin
Related Posts with Thumbnails