OFW Story - Buhay sa Saudi



This letter has been passed around to most OFW offices and work places. I received this just recently and i would like to share it with you.

Thank to who ever did this. If you're back home in the Philippines reading this letter, you'll feel the sentiment of most OFWs in Saudi or in the Middle East.

BUHAY SAUDI TALAGA (A friend named "Maeng Ni" posted this.)

Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo, tiyak makakarelate ka.

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Saudi ka akala nila madami ka ng pera.

Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash kakapadala sa pinas, kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.

Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo, walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.

Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kabsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!

Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa
namumulot ka ng pera sa Saudi kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa nakareply aawayin ka!

Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani, naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ang siyang umaani! Dahil sa utang sa Saudi lalong dumarami.

Akala nila masarap sa Saudi di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip ticket pina-cash na para mapadala lang at ibayad sa utang. Akala nila sosyal ka na dahil kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas; nalalagas pa!

Akala nila masarap sa Saudi kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo sa sobrang init ng araw!

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hinuhulugan pa ito!

Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Saudi maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mong naka abaya at nakatarha.. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng Saptco o Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa saudi .. madami mga pakistani, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka arabo na taxi driver; rapist pa!

Akala nila masarap ang buhay dito sa saudi . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho,terminated ka gagawan ka ng kwento ng kapwa mo pilipino!. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase baka mamotawa ka pag kasama mo ang syota mo pero madami pading matatalinong matsing ang nakakalusot nagpapagawa ng fake na papel para kunwari kasal, ah letse mga immoral!! Kaya ka nga nag-Saudi para sa pamilya mo, di para gumawa uli ng bagong pamilya sa malayo at sirain ang kinabukasan ng mga anak mo.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Red sand, hidden valley, faisaliah mall, riyadh zoo, corniche, obhur, beach at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kasi paminsan-minsan ka lang makapagpa-picture dahil bawal basta-basta kumuha ng picture dito makukulong ka.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase riyal na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero riyal din ang gastos mo sa saudi. Ibig sabihin ang riyal mong kinita sa presyong riyal mo din gagastusin.

Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas SAR3.00 sa Saudi , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa Saudi SAR 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o hepa kasi nga umaapaw sa mantika at madumi pa! Mga kadiri, kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice but to take the risk.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa saab, sabb, shb, samba o Riyadh bank na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito!! kasi nga nagloan ba naman para sa luho bwahahaha!

Madaming naghahangad na makarating sa Saudi. Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, kasi mahirap ang normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa lalo na kaya sa Saudi wala kang outlet ng stress mo ! kasi nga madami ang bawal!!! .

Hindi ibig sabihin riyal na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan ang sariling bayan?

Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.

Hangga’t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.

Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!

Be updated to Kabayan Junction's post Subscribe in as a reader
Blog Widget by LinkWithin
Related Posts with Thumbnails